^

PSN Showbiz

Jennylyn nangakong gagalingan ang pagdo-doktora

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn nangakong gagalingan ang pagdo-doktora
Jennylyn

“I am super happy to portray Dr. Maxine De La Cruz of Descendants of The Sun The Philippine Adaptation. When I heard they started taping already and preparing for the soap, ako din na-curious kung sino nga ang napili para sa role. When I learned that it was me, I was overwhelmed with gratitude for GMA’s trust and also pressured since I know how big this project is. I promise I would do everything to give justice to the role. I won’t let you all down. Pangako,” sabi  ni Jennylyn Mercado matapos magkaroon ng formal announcement ang GMA 7 na siya na nga ang magiging partner ni Dingdong Dantes sa local adaptation ng Descendants... na ginampanan originally ni Song Hye-Kyo.

Skilled cardiothoracic surgeon ang role ni Dra. Maxine na mahusay na nagampanan ng Korean actress sa original version.

Bukod sa magaling na doktora, maganda siya, headstrong, principled at talagang gagawin at itataya ang lahat para sa kanyang pasyente kaya talagang mabigat ang napuntang role kay Jennylyn.

First time makakatrabaho ng aktres ang Kapuso Primetime King na gaganap na Captain Lucas Manalo or Big Boss (Song Joong-ki).

Makakasama rin nila sina Rocco Nacino as Diego Ramos or Wolf and Jasmine Curtis Smith as Moira Defensor.

 Si Dominic Zapata ang director ng local adap­tation ng DOTS na dapat pala ay umere na this October.

Common knowledge na sa Descendants... nag-umpisa ang love story ng SongSong couple na nauwi rin sa hiwalayan.

 

JENNYLYN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with