Sex video ng kilalang singer/TV host sa nawalang cellphone, kalat na!

Pinag-uusapan na ang tungkol sa sex video scandal daw ng isang kilalang singer/TV host.

Naunang kumalat ang video scandal diumano ng asawa niya nang mawala raw ang cellphone nito. Pero itinanggi naman ito ng asawa ni singer/TV host.

Ngayon ay meron na rin daw itong si singer/TV host na ang sabi, kuha rin daw iyon sa cellphone nung asawa.

Pero kamakailan lang ay napabalitang nawala rin ang cellphone nitong si singer/TV host. Kaya hindi natin alam kung saan iyon nanggaling kung meron nga ba talaga.

Abangan na lang natin kung siya nga ba iyun.

Klea nagpaliwanag sa bintang na tomboy  

Agree naman ang lahat na pam-beauty queen talaga ang Kapuso actress na si Klea Pineda kaya ang daming nangungumbinse sa kanya na sumali sa national beauty pageants gaya ng Binibining Pilipinas o Ms. World-Philippines.

Pero biglang pumasok ang bagong afternoon drama ng GMA-7 na Magkaagaw kaya naisantabi ang training niya para sa beauty pageants.

Sabi ni Klea; “Sana this year magti-training na sana ako. Sisimulan ko na sana yung mga training sa pageants. Kaso, dumating na ‘yung Magkaagaw, mas priority na ito. Ito na yung nasa harapan ko eh, iga-grab ko na lang.

“Marami pa namang years para pag-aralan yan. Gusto ko pa rin kasi mag-aral, makapag-College para mas maraming experience sa life. Para mas lumawak pa yung mundo bukod sa showbusiness.”

Excited siya rito sa Magkaagaw. Babalik-tambalan sila ni Jeric Gonzales dito na naka-partner na niya noon sa Ika-Limang Utos.

Hindi raw sila ganun ka-close nun ni Jeric sa Ika-limang Utos, pero dito sa Magkaagaw ay iba na raw ang bonding nila dahil mas madalas na magkasama sila sa mga eksena, at halos araw-araw ay nagkikita sila.

Komportable na nga raw si Klea kay Jeric, pero kagaya ng Kapuso hunk actor, hindi rin nakaligtas si Klea sa mga intriga.

Isa siya sa mga magagandang aktres na pinag­dudahan ang pagkababae.

Natawa si Klea nang tinanong ko ito sa kanya.

Aware naman daw siyang may ganun siyang tsismis, pero sure na sure raw siya sa sarili niyang girl na girl siya at hindi siya tomboy.

Ang bilis nga ng sagot ni Klea na “Oo naman!” nang tinanong ko kung boys ba ang type niya, at kung nagka-boyfriend naman siya.

“Kasi ako eversince hindi talaga ako pa-girly.

“Pili lang yung days na naghi-heels ako.

“Aminin ko, may pagka-boyish ako kasi mahilig ako sa motorbikes. Yung mga hobbies na gusto ko panlalaki…car racing, mas challen­ging siya for me.

“Siguro nagkaroon ng ano yung mga tao na ganun kasi siguro ‘kaya yun ang hilig ni Klea kasi ganun siya.

“Eh…come on guys, anong year na ngayon? Ilang months na lang 2020 na tapos iyun pa rin ang tingin ng mga tao,” saad ng Starstruck 6 Female Ultimate Survivor.

Dito nga sa pagkahilig niya sa motorbikes sila nagkasundo ni Jeric, at never naman daw pinagdudahan ni Jeric na may pagka-tibo siya.

Sa totoo lang, mas type ng ibang boys ang medyo boyish, lalo na kung pareho silang hilig, gaya nitong pagmu-motor.

“Parang tough kasi ang tingin nila sa akin, tapos matangkad pa ako, yung features ko medyo sharp. Iyun nga ang napapansin sa akin ng mga tao,” sabi pa ni Klea.

Jasmine hindi pa ma-imagine na magiging misis ng pulitiko

Hindi pa ma-imagine ni Jasmine Curtis Smith na magiging politician’s wife siya.

Pamilya kasi ng mga pulitiko ang boyfriend niyang si Jeff Ortega kaya malaki ang posibilidad na papasukin din nito ang pulitika.

Pero suportado naman ni Jasmine ang lahat na ginagawa ni Jeff, kagaya nitong pagtalaga sa kanya bilang Regional Director ng Region 4A ng Department of Tourism.

Si Jasmine nga ang sumama sa kanya nang nanumpa ito dahil nasa La Union naman daw ang pamilya ni Jeff.

Bale siya na nga raw ang pamilya rito sa Maynila. “Lahat ng family niya sa La Union and they all have their own careers in politics, in other industries, so, hindi makapunta ‘yung iba and his Dad is very weak. His mom is ano also, agenda in the province. So, ako yung family niya here,” pakli ni Jasmine nang nakatsikahan namin sa pocket presscon ng bago niyang pelikulang Cara X Jagger.

Kung sakaling papasukin na raw ng boyfriend niya ang pulitika, nandun naman daw ang suporta niya gaya nang pagsuporta ni Jeff sa kanyang showbiz career. “Siyempre, the same way na na learn niya how to accept my industry, I also have to learn and adopt his industry, para it’s a mutual respect na rin for each other’s professional careers,” saad ni Jasmine.

Ngayon ay magsisimula nang mag-promote si Jasmine ng Cara X Jagger ng APT Entertainment kasama si Ruru Madrid.

Naging close raw sila ni Ruru sa pelikulang ito at nagsi-share sila ng kuwento ng lovelife nila, pero hindi pa niya ito naipakilala sa boyfriend niya.

Sa November 6 na ang showing ng Cara X Jagger.

Show comments