Jeric ‘di na-offend kay Ruru

SEEN: Pantay-pantay ang roles nina Tony Labrusca, Jerome Ponce, Jane Oineza, Albie Casino at Myrtle Sarrosa sa Ang Henerasyong Sumuko sa Love. Binigyan sila ng mga sariling highlight ng direktor na si Jason Paul Laxamana.

SCENE: Makaka-relate ang lahat ng millennials sa mga kuwento ng mga karakter na ginampanan ng cast ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love. Nagmarka sa mga dumalo sa red carpet premiere ang role ni Jane Oineza bilang vlogger na gustong magkaroon ng maraming followers. May special participation sa pelikula ang former beauty queen na si Thia Thomalla na may cameo role din sa Black Lipstick, ang launching movie ni Kyline Alcantara na ipalalabas sa mga sinehan sa October 9, 2019.

SEEN: Overwhelmed si Jeric Gonzales dahil leading man na siya sa Magkaagaw, ang afternoon drama series ng GMA 7 na mapapanood simula sa October 21, 2019. May love scene sa Magkaagaw sina Jeric  at Sheryl Cruz. Sinabi ni Jeric na nakaramdam siya ng hiya kay Sheryl nang gawin nila ang kanilang daring scene.

SCENE: Hindi na-offend si Jeric Gonzales sa pahayag ni Ruru Madrid sa presscon ng Cara X Jagger na alam ng lahat ang tunay na nanalo noon sa Protégé, ang talent search program ng GMA 7 noong 2012. Inisip ni Jeric na baka nagbibiro lamang si Ruru.

SEEN: Nakakatanggap si Jeric Gonzales ng mga indecent proposal sa kanyang Instagram account pero hindi niya pinapansin. Mga tao na nagpapakilala na pulitiko at nangangako na bibigyan siya ng pera ang ilan sa mga mensahe na natatanggap ni Jeric.

Show comments