Kim
Wawa naman ang actress matapos gawing shawarma, gown ni Kim sa ABS-CBN Ball, second hand na?!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kawawa naman si Kim Chiu, pinaglaruan na nga siya sa sinuot na gown sa ABS-CBN Ball 2019 heto at nabuking pa na hindi pala siya ang unang nagsuot ng nasabing gown.

Nabuko nga sa isang post sa Instagram na sinuot na ito ng isang contestant ng Mutya ng Pilipinas. Though, obvious na ni-retouched.

Eh ayon pa naman sa isang source, ang intention ni Kim sa pagsusuot ng nasabing gown ay para nga makatulong sa local and new designer.

 Actually, na-keri naman ni Kimmy ang gown kaso hirap na hirap daw itong maglakad kaya kinailangan pa itong buhatin ni Xian Lim paakyat sa venue ng Ball last week.

Anyway, nang i-check ko ang IG ng designer na si Benj Leguiab IV ang ganda ng description niya sa gown na ang buong akala ng lahat ay ginawa niya for Kim. Isa sa Best Dressed si Kim sa ABS-CBN Ball 2018. Si Michael Cinco ang designer ng gown nito last year. “The most awaited glamorous red carpet ball in the philippines showbiz, Abs-Cbn Ball 2019 @chinitaprincess wearing my Long Sleeves Filipiñana Barong called “Traje De Magdalena”

“Barong is commonly wears by Filipino men and i used this Inspiration for women dress to filipiñana as a gesture of being “Brave and strong Filipina” like Magdalena Estiosta Leones.

“Materials: 24 differents types of beads glass, Pearls and swarovski crystals and others..” bahagi ng description nito sa gown.

Todo pasasalamat pa si Kim sa kanyang IG post. “What a night it has been. twas my 13th ball this year and Im always in awe of all the preparations everyone does on that night. I just wanna say thank you to my team who worked so hard for my look thank you @benjleguiab_iv for making this gown for almost 2 months, hand crafted, beautifully beaded piece by piece saw how you worked hard for this, thank you  to my angel mamas as always @jakegalvez @iammjrone @adrianneconcept thank you thank you also for my before the ball prep @belobeauty @newlounge.ph @mimsqiu @minmeluxurynails and thank you @gp10 for my photos and cto @niceprintphoto for the blackbg photos another memorable night to be remembered! one for the books!!! #abscbnball2019,” sabi ni Kim.

Pati sa kanyang YouTube Channel, proud na rin ang aktres.

Anyway, nauna na ngang ginawang shawarma, rocketship,  ammunition, table napkin, shuttlecock, bouquet of flowers at kung anu-ano pa ang nasabing gown ni Kim sa rami ng memes nito sa social media. “Ang layo na nang narating ng gown ko!!!might as well visit my channel to know my road to abscbn ball experience and story behind my gown made by a young designer @benjleguiab_iv !!! special thanks to @adrianneconcept for guesting!,” post pa ni Kim.

Siguro nga mabait si Kim para hindi ipaalam na ‘second hand’ na pala ito.

 

 

KIM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with