Aktres wala nang pag-asang i-give up ang kanyang guy para sa mga anak
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

Nagtatanungan ang marami kung sino ang mahiwagang taong makapagdudugtong ng nawasak na tulay sa pagitan ng isang pamosong aktres at sa kanyang mga anak.

?Napakatagal na panahon nang hindi nagkikita nang mata-sa-mata ang aktres at ang kanyang mga anak, marami nang nagtangkang pagkasunduin sila, pero lahat ay nabigo.

?Sabi ng aming source, “Napagod na ang mga kaibigan ng female personality, wala rin naman kasing magandang resulta ang mga ginagawa nilang effort.

?“Nag-try na sila nang maraming beses, pero hindi naging successful ang pinlano nilang pagkasunduin ang mag-ina.

?“Kahit ‘yung mga kaibigang veteran stars ng female personality na nireresperto rin ng mga anak niya, e, wala ring nagawa!” simulang pahayag ng aming impormante.

?Sumobra na nga ang lawak ng kanilang gap, isa lang ang pinaniniwalaang dahilan kung bakit sila nagkawatak-watak, kumokontra ang mga anak ng aktres sa kanyang karelasyon.

?Patuloy ng aming source, “Ewan naman kasi kung bakit hindi mahiwalayan nu’ng girl ang lalaki, samantalang pamilya na niya ang sobrang apektado.

?“’Yun lang naman ang hinihingi ng mga anak niya, ang hiwalayan ang guy, pero hindi ‘yun magawa-gawa ng girl. Feeling tuloy ng mga anak niya, e, kayang-kaya silang tiisin ng mommy nila nang dahil lang sa lalaking ‘yun!

?“Wala naman kasing may gusto du’n sa guy, kahit ang mismong mga kapatid nga niya, e, kaaway nu’n! Pero sobrang lakas niya sa female personality, ha? Buong mundo na ang kumakalaban sa kanya, pero siya pa rin ang kinakampihan ng babae!” dagdag na kuwento ng aming source.

?Sabi nga ng mga kaibigan mismo ng female personality ay pintasan at siraan mo na ang babae, huwag lang ang lalaki, dahil away ang mapapala mo mula sa female personality.

?Sa maraming umpukan ay palaging malaking tanong ang dahilan kung bakit napakalakas ng kapit ng lalaki sa aktres. Ano raw kaya ang ginawa nito para makuha ang tiwala ng babae?

?Pagtatapos ng aming source, “Meron ngang mga nagsasabi na pinainom daw nu’ng guy ng pinaglabahan ng briefs niya ‘yung female personality!

?“Kasi nga, e, kinakalaban ng girl ang kahit sinong kumokontra sa guy! Marami na siyang kaibigang tinabla nang dahil sa lalaking ‘yun!

?“Kinakaya nga niyang hindi makasundo ang mismong mga anak niya nang dahil sa guy, di ba? Ano ba ang meron ang guy?” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Road manager ni Daniel walang ebidensiya sa panghuhusga

Diretsong tinanong ng road manager ni Daniel Padilla ang isang kaibigan namin kung ano raw ba ang ikinagagalit namin sa young actor? Bakit daw ba kami galit na galit sa boyfriend ni Kathryn Bernardo?

?Teka lang muna, meron kayang maipakikitang pruweba sa amin ang road manager ni Daniel kung saan namin siniraan ang kanyang alaga, makapagpapakita kaya ito ng ebidensiya?

?Unang-una, walang dahilan para magalit kami kay Daniel dahil wala naman siyang ipinakikitang hindi tama sa aming panlasa, isa pa ay malapit kami sa pamilya ng kanyang ama na kababayan pa nga namin.

?Ang pinagpayuhan namin nitong mga huling araw ay ang mga tagahanga nila ni Kathryn na nagpapasabong sa kanila ni Alden Richards.

?Malabiga kasi ang dila ng ibang tagasuporta nila, kung tawagin nilang bakla si Alden ay parang wala nang bukas, kaya nili­naw namin ang kanilang argumento.

?Simple lang. Kung kabaklaan ang magiging barometro nila para ilaglag ang Pambansang Bae at iangat naman si Daniel ay mag-isip-isip muna naman sila.

?Nananahimik sa Amerika si Rustom Padilla na babae na ngayon bilang si BB Gandanghari, pero sa biglaang pag­husga ay maiisip mo na kapatid ito ng tatay ni Daniel Padilla, kadugo ng young actor si BB Gandanghari.

?Hindi si Daniel ang pinitik namin, ang mga palaaway na KathNiel supporters ang aming pinansin, meron bang masama du’n?

?Ebidensiya na ba ‘yun para masabi ng kanyang road ma­nager na galit na galit kami kay Daniel? ‘Yun ang mahirap kung minsan. Sa sangdamakmak na nasulat mong maganda tungkol sa personalidad, ni thank you ay wala ka ngang natanggap, pero napakalakas pa ng loob nilang manita.

ANAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with