Catriona Gray
Catriona maririnig na ang boses ng mga driver na umaasa sa navigation app
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wow, baka mas marami nang gu­mamit ng navigation app na Waze.

Maririnig na kasi sa nasabing navigation app ang boses ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Pero hindi siya magbibigay ng directions sa mga driver na umaasa na lang sa nasabing application ng mga lugar na pupuntahan nila. Safety reminders ang ibibigay niya sa mga driver at pasahero na iniaasa ang direction ng mga pupuntahan nila sa app.  

Naku hindi kaya mas marami nang mawalan ng sense of direction nito?

Yup, ang da­ming Pinoy na hindi na nage-effort na pag-aralan ang mga lugar na pupuntahan nila dahil umaasa na sila sa dikta at turo ng na­ririnig niya sa gadgets.

Sana rin ipaalala ni Ms. U ang safety usage nito para ma-avoid ang accident ng mga driver na minsan ay hindi na nakikita ang dinadaanan dahil tutok na sila sa pagtingin sa direction ng kanilang pupuntahan. 

CATRIONA GRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with