John Lloyd Cruz
John Lloyd pinasok ang pagdidirek
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

Hindi pa man nakapagsisimula si John Lloyd Cruz sa kanyang pagbabalik, heto at sumabak na agad siya sa pagdidirek ng isang music video.

This will show another side of him na masayang tinatanggap ng lahat bilang parte ng kanyang comeback.

Kahit hindi siya agad sa pag-arte bumalik, makikita sa fans na pinananabikan pa rin siya.

Kaori humahabol kay Seth

Tiyak na matutuwa naman ang fans ng former housemate na si Kaori Oinumi dahil finally, kasali siya sa seryeng Parasite Island na pinagbibidahan nina Rafael Rosell at Ria Atayde.

Bukod kay Kaori, ang mga kasabayang sina Karina Bautista, Lie Reposposo at Jelay Pilones ay inaabangan na ring mapanood sa TV. Aba naunahan pa sila ni Seth Fedelin na kasalukuyang umaarangkada ang career ngayon dahil sa seryeng Kadenang Ginto kung saan katambal niya si Andrea Brillantes.

Lovi dedma na sa career, naka-jackpot sa bf na producer

Parang sinasayang ni Lovi Poe ang magagandang pagkakataon na meron siya sa GMA-7. Parang mas pinagtutuunan pa niya ng pansin ang kanyang lovelife kesa sa career, buti na lang at hindi siya binibitawan ng Kapuso Network at hinihintay na magsawa siya sa kanyang bakasyon.

Sa totoo lang, hindi naman purong bakasyon iyon dahil kasabay ng kanyang pagliliwaliw ay ang pagpu-promote niya ng GMA Pinoy TV. Nakatakda siyang umuwi ng bansa para pangunahan ang isang episode ng Tadhana.

Isang matagumpay na producer sa Hollywood ang kasalukuyang boyfriend ni Lovi. Kaya ba kampante siya, dahil may pader siyang sinasandalan? Tsk tsk tsk.

Maymay nangakong hinding-hindi iiwan si Edward

Napakasuwerte ni Edward Barber dahil may pinanghahawakan na siyang pangako sa kanyang ka-loveteam na si Maymay Entrata, ito ay ang hinding-hindi raw nito susukuan ang tambalan nilang dalawa.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang hiwalayan ng mga tambalan ngayon sa showbiz, sinabi ni Maymay na kahit anong mangyari, hindi-hindi raw niya tatalikuran si Edward bilang kanyang kapareha.

Matagumpay din naman ang kani-kanilang solo career, si Maymay bilang isang fashion model at si Edward bilang solo actor.

Walang nag-akalang maitatawid ni Edward ang pagbibida sa Hiwaga ng Kambat Wansapanataym at napangatawanan din niya ang drama at action scenes na ibinigay sa kanya.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with