Jake nagpadagdag ng tattoo
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - September 6, 2019 - 12:00am

SEEN: Pinupuri at hinahangaan si Jake Zyrus dahil sa pagpapakatotoo nito na women’s comfort room pa rin ang ginagamit niya, kahit transman na siya dahil biologically, babae pa rin ang kanyang kasarian. “Biologically, I am a woman, so I follow it.”

SCENE: Ibang-iba na ang boses ni Jake Zyrus nang humarap siya sa entertainment press noong Miyerkules para sa Evolution, ang bagong album niya sa Star Music. Mababa na ang boses ni Jake at inamin nito ang kawalan ng kakayahan na bumirit tulad noong Charice Pempengco pa siya.

SEEN: Ipinagtapat ni Jake Zyrus na six years old siya nang maramdaman niya na kapwa babae ang kanyang gusto. Noong mga panahon na ‘yon, bakla at tomboy lamang ang label sa mga miyembro ng third sex at nadagdagan lang ang kanyang kaalaman nang magsimula ang singing career niya sa Amerika.

SCENE: Punum-puno ng emosyon ang pitong kanta ni Jake dahil sa mga mapapait at masasaya na karanasan na pinagdaanan niya.

SEEN: Malapit nang ma-achieve ni Jake Zyrus ang pangarap nito na maging lalaki ang kanyang physical appearance dahil sa kanyang manipis na bigote at buhok sa mga binti niya. Pinadagdagan din ni Jake ang mga tattoo sa kanyang katawan.

JAKE ZYRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with