^

PSN Showbiz

Female personality na dating dukha, nagkaroon ng amnesia!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kahit naman nu’ng mga panahong hindi pa kinakasihan ng kapalaran ang isang female personality ay marami nang nakakapansin sa kanyang kayabangan. Sagana siya sa angas, mahilig siyang kumuha ng atensiyon, KSP na siya kahit nu’n pa man.

Sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ay naging paksa ang babaeng personalidad na ito, imadyinin nga naman natin kung anong klase ng kayabangan ang meron siya ngayon, dahil napakalaki ng pagbabagong naganap sa kanyang buhay at career?

Isang miron sa umpukan ang nagkuwento, “Nagtatampo nga sa kanya ngayon ang isang show promoter na madalas niyang tawagan nu’ng taghirap days pa niya. Para lang kumita siya, kahit barya-barya lang, e, pinapatulan niya!

“Wala nang space para sa kanya sa show, kumpleto na ang casting, pero dahil sa ka-eemowt niya sa show promoter, e, isinasama na rin siya. Bawas sa kikitain ng promoter ‘yun, wala na sa budget kumbaga, pero pinagbibigyan pa rin siya.

“Heto na ngayon. Meron na siyang datung dahil sinuwerte nga silang mag-ina. Alam n’yo bang ni hindi man lang niya nakukumusta ang taong ‘yun na napakalaki ng naitulong sa kanya nu’ng taghirap pa siya?

“At ang matindi pa, nu’ng minsang kinukuha ng promoter ang anak ng female personality para sa isang provincial show, ang talent fee na sinabi sa kanya ni mommy, e, super-laki, hihilahod ang promoter sa taas, ni hindi man lang siya nagpabawas.

“Hindi na lang kinuha ng promoter ang sikat niyang anak, hindi kasi kakayanin ng budget ng lugar na pagdadalhan sana sa bagets, ‘yun na ang huli nilang pag-uusap. Nakalimot na ang girl sa mga taong nakatulong sa family niya nu’n!

“Masyado na siyang enjoy na enjoy sa kung anumang suwerteng meron sila ngayon, nagka-amnesia na siya para kahit kumustahin man lang sana ang mga taong naging sandalan niya nu’ng walang-wala pa siya!” napapai­ling na kuwento ng source sa umpukan.

At bahagi ng kanyang kahambugan ang pagbibigay ng tulong kapag may mga camera. Hindi siya tumutulong nang walang coverage. Kailangang nalalaman ng buong bayan ang mga pagsuportang ginagawa niya para sa mga nangangailangan.

Sabi naman ng isa pang source sa kuwentuhan ng grupo, “Isa lang ang maliwanag. Kinalimutan niya na ang nakaraan, kung gaano kalaki ang katawan niya, e, ganu’n din kalapad ang kaangasan niya!

“Sabi nga ng mga dati niyang kaibigan, ‘Aanhin mo ang isang mansiyon, kung malaki naman ang iyong puson?’ Nakakaloka siya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie naniniguro na sa audience, mga nanonood may waiver na

Napakahalaga ng ginagawang pagpapapirma ng waiver at pagtse-check ng mga nurses at doktor sa kundisyon ng mga kababayan nating nanonood ng matagumpay na Wowowin sa studio.

Para maiwasan ang mga insidenteng hindi kanais-nais ay talagang pinatututukan ng host na si Willie Revillame ang kanilang mga studio audience.

May edad na silang sinusunod, bawal ang matatanda at bata, hindi rin puwedeng manood ang mga kababayan nating maysakit. Mahigpit ang mga kundisyon pero ‘yun ang nararapat.

Sobrang magmahal sa kanyang mga tagasuporta si Willie, ayaw niyang may nasasaktan, lalong hindi kinakaya ng kanyang kalooban kapag may naaaksidente na nauuwi sa pagkamatay.

Napakahigpit ng bilin ni Willie sa kanyang staff na huwag na huwag kalilimutan ang waiver na pinapipirmahan nila sa mano­nood. ‘Yun ang makapagpapatunay na anuman ang maganap habang tumatakbo ang show ay wala silang dapat panagutan.

Sabi ng isang staff ni Willie, “Hindi namin alam kung anong charisma meron si Kuya Wil. Kapag nakita na kasi siya ng audience sa opening, e, para bang may kakaiba na silang saya na hindi mo kayang ipaliwanag!

“May naglulundagan, may umiiyak, halu-halo ang reaction nila. Kaya nga sobrang higpit namin sa pagpapapasok ng audience. Hindi puwedeng manood ang may heart problem.

“Kapag pumasok na kasi si Kuya Wil sa opening pa lang, e, very festive na ang paligid. Wala nang control ang audience, kaya kailangan talagang higpitan ang mga nanonood ng show,” paliwanag ng aming source.

Si Willie Revillame pa naman, kapag may tagasuporta siyang nasasaktan ay dala-dala rin niya ‘yun, kahit wala naman siyang kasalanan.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with