Aktres kuripot ang napangasawang mayaman!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - September 2, 2019 - 12:00am

Kabaliktaran sa isang aktres na sunod sa luho

Akala ng marami ay nakabingwit ng matabang isda ang isang popular na female personality nang makapangasawa siya ng isang kilalang personalidad sa lipunan na tunay na yayamanin.

Walang kaduda-duda ang kayamanan ng pamilya ng lalaki, napakaraming naiinggit sa female personality, napakasuwerte raw niya sa naging kapalaran niya.

Pero imahinasyon lang pala ‘yun. Sa kuwento lang. Dahil kabaligtaran ng iniisip ng marami ang kinahinatnan ng buhay ng magandang female personality.

Kuwento ng isang source, “Naku, hindi ganu’n ang nangyari. Kabaligtaran ‘yun ng iniisip ng mga taong nakakaramdam ng inggit dahil sa kapalaran niyang makapangasawa ng mayaman.

“Ang pera nu’ng lalaki, e, sa kanya lang, ang pera naman ng girl, e, sa kanya lang din. Kani-kanya sila ng datung! Pero sa mga bayarin, e, share sila!

“Nakakaloka ang set-up nila. May naka-assign na babayaran ang girl, ganu’n din ang husband niya. So, mali ang iniisip ng marami na napakasuwerte niya sa napangasawa niya!

“Kapag nagbibigay ng biyaya ang babae sa parents niya, e, galing ‘yun sa sarili niyang pera, kaya walang makapagsasabing buhay-reyna siya sa poder ng napangasawa niya!” umpisang chika ng aming impormante.

Ibang-iba ang kanyang kapalaran sa isang female personality na nakapangasawa rin ng mayaman, sunod na sunod ang kanyang luho sa lalaki, ito ang talagang buhay-reyna sa kanyang mister.

Kuwento ng source na nakakaalam sa estado ng mag-asawa, “Siya ang talagang sinuwerte! Lahat ng gusto niya, ibinibigay ng husband niya! ‘Yung kinikita niya dahil sa nag-aartista pa rin naman siya, e, kanyang-kanya lang!

“Sagana sa lahat ang female personality, para lang bumibili ng candy ang husband niya kung ibili siya ng mga alahas. Kahit walang okasyon, malalaking bato talaga ang inireregalo sa kanya.

“’Yun ang talagang sinuwerte sa asawa, mabait na, mayaman pa, mahal na mahal pa ang female personality!” sabi ng aming impormante.

Kani-kanyang kapalaran nga lang naman ‘yan, hindi lang sinuwerte si Female Personality A, dahil super-kuripot ang kanyang napangasawa.

Ubos!

Morissette pinupuri sa hindi pagpatol sa ama

Hindi nagrebelde si Morissette Amon na tulad ng ipinahihiwatig ng kampo ng kanyang ama. Kung tutuusin ay napakamarespetong anak nga ng magaling na singer dahil sa kabila ng ginawa ng kanyang ama ay never siyang naging palalong anak.

Alin, kung iba-ibang anak lang si Morissette na halos mapatiran na ng litid sa leeg sa kakakanta para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya ay baka nabasa na rin ng publiko ang kanyang hinanakit sa social media.

Pero hindi niya ginawa ‘yun, nanatili siyang tahimik, naniniwala ang magaling na singer na ang lahat naman ng katotohanan ay lalantad din sa tamang panahon kapag kalmado na ang lahat.

Ang anak na nagrerebelde ay lumalaban. Kabaligtaran nu’n si Morissette na sa halip na makipag-argumento sa kanyang ama ay umiwas na lang. Lumayo muna siya sa kanilang pamilya at humingi ng tulong sa kanyang manager para huwag nang lumala pa ang gulo sa kanilang personal na buhay.

Tama ang naging desisyon ni Morissette dahil ngayon ay unti-unti nang nagigising sa katotohanan ang kanyang ama. Tanggap na ni Mr. Amay Amon na mali ang ginawa nitong pagbabahagi ng kanilang problema sa publiko.

Dagat ng sawsawan ang social media na kahit sino, may kaugnayan man sa kanilang pamilya o wala, ay puwedeng magkomento at makialam.

Maraming pumupuri sa kadakilaan ni Mori bilang anak. Kaya naman pala siya biniyayaan ng talentong meron siya ngayon ay dahil karapat-dapat siyang regaluhan ng kapalaran.

Hindi niya minsan man ipinamukha sa kanyang ama na siya ang nagpapakamatay sa pagtatrabaho para lang mamuhay nang masagana ang kanyang pamilya.

Never niyang sinumbatan ang kahit sino sa kanyang pamilya, hindi niya sinabing may mga pagkakataong gusto rin niyang uminom ng malamig at kumain ng tsokolate bilang isang ordinaryong tao, pero iniiwasan niya ‘yun dahil makaaapekto sa maganda niyang boses.

Kundi pa naman dakilang anak na maituturing si Morissette Amon ay ewan na lang.

MORISSETTE AMON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with