‘Mr. Sunshine’ mapapanood sa GMA Network

MANILA, Philippines — Simula Lunes (Setyembre 2), inihahandog ng GMA Heart of Asia ang multi-awarded Korean period drama na Mr. Sunshine.

Ang Mr. Sunshine ay mula sa mga lumikha ng hit Korean dramas na Descendants of the Sun at Secret Garden.

Iikot ang kwento nito sa buhay ng binatang si Eugene Choi (Lee Byung-hun) na lumaki sa hirap at nakaligtas sa madugong U.S. expedition sa Korea. Matapos maging matagumpay sa Amerika, babalik siya sa kanyang bansa bilang isang United States Marine Corps officer at mahuhulog ang loob sa anak na babae ng aristocrat na si Go Ae-sin (Kim Tae-ri).

Nang madiskubre ang binabalak na pagsakop ng mga dayuhan sa Korea, magsisilbing instrumento ng rebolusyon si Eugene para sagipin at palayain ang kanyang bansa pati na ang minamahal niya.

Kabilang din sa powerhouse cast sina Byun Yo-han bilang Kim Hee-sung, Kim Min jung bilang Kudo Hina, at Yoo Yeon-seok bilang Goo Dong-mae.

Subaybayan ang nakakaantig na kuwento ng Mr. Sunshine simula Setyembre 2 pagkatapos ng The Better Woman sa GMA Telebabad.

 

Show comments