^

PSN Showbiz

Ogie pinapayagan na ang anak na mag-abroad kasama ang BF

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ogie pinapayagan na ang anak na mag-abroad kasama ang BF

Suportado ni Ogie Alcasid ang lovelife ng panganay na anak nila ni Michelle Van Eimeren na si Leila Alcasid. Kamakailan ay nagdiwang na umano ng unang anibersaryo bilang magkasintahan sina Leila at nobyong si Mito Fabie.

“Eh kasi nagpaalam eh. Nagpunta sila ng ibang bansa, sa Taiwan,” pahayag ni Ogie.

Noong nakaraang Pasko unang nakilala ng singer-songwriter si Mito na mas kilala raw sa tawag na Curtismith. Maging ang ina ni Leila ay nakilala na rin ng binata nang personal. “Ngayon maraming beses na rin (na nakakasama). Gusto ko kasi na iniimbitahan siya. Gusto kasi nakikilala niya kami at nakikilala namin siya. No’ng Pasko una niyang pagkakataon na makilala kaming lahat pati si Michelle,” kwento niya.

Nasa tamang edad na si Leila kaya ang ta­nging hangad lamang ni Ogie ay maging responsable ang dalaga sa buhay. Pinababayaan na ring magdesisyon ni Ogie para sa sarili ang anak upang matuto ito. “Eh sabi ko kasi sa kanya, ‘Alam mo anak, habang bata ka, maganda na makapag-travel ka. Kasi marami kang matututunan eh. At ini-encourage ko siya na maging adult. Kasi hindi na siya bata eh. So lahat ng responsibilidad ay magawa na niya, tulad ng pagbabayad ng bills. Saka sinasabi ko sa kanya, ‘adult ka na, alam mo na ang tama at mali,’” paliwanag ni Ogie.

RK naghihintay ng indecent proposal

Naibahagi ni RK Bagatsing na wala pa siyang natatanggap na indecent proposal mula noong pasukin ang show business. Minsan nga raw ay kinukuwestiyon ng aktor ang sarili kung hindi ba siya talaga kaibig-ibig.

“Nagtataka nga ako bakit wala eh. Hot ba ako? Hindi ba nila ako gusto? Hindi ba ako deserving sa gano’n? It’s not that I’m going to say yes pero wala eh,” natatawang pahayag ni RK.

Kung sakaling makatatanggap ng indecent proposal ay hindi naman daw ito papatulan ng aktor. “First I’m going to be flattered. Pero politely I will say no,” giit ng binata.

Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang tungkol sa video scandal ng nakatatandang kapatid ni RK na si Raymond Bagatsing. Nakausap daw ni RK ang kanyang kuya tungkol dito. “Napanood ko nga eh. Sabi ko, ‘Ang lupit mo ah. Naku! Mag-ingat-ingat ka na next time.’ Nagtawanan lang kami. Marami rin namang nabibiktima ng ganyan at kinalimutan lang nila,” nakangiting kuwento ng aktor.

Aminado naman si RK na kahit may pagkapilyo ay hindi naman mangyayari sa kanya ang naranasan ni Raymond. “Pilyo rin naman ako ngayon pero wala naman siguro. Maingat naman, delete kaagad, delete mo kaagad. Ano lang ‘yon, spur of the moment,” pagtatapos niya.            (Reports from JCC)

vuukle comment

LEILA ALCASID

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with