Gina puro magaganda ang naiwang alaala!

Gina Lopez

So honored talaga when people remember you with fondness Salve. Siguro nga, Gina Lopez is such an amazing woman na lahat ng nababasa natin, memories of how good and wonderful she was.

Nakita ko si Gina nang magbigay siya ng speech para pigilan ang pagsira sa bundok sa Lobo, Batangas kung saan may beach house sina Linggit Tan, Amy Austria, Christopher de Leon, Gabby Concepcion at ilang celebrities.

Natatawa ako dahil ang dami-daming side stories sa kanyang speech at very funny ang way niya ng pagsasalita.

Then, nang i-appoint siya secretary ng DENR ni President Rodrigo Duterte, halos lahat, agree na siya ang perfect choice pero hinarang ng mga tao na may ulterior motives sa mining ang appointment sa kanya.

Pero tuloy pa rin siya sa trabaho niya for the environment, sa Ilog Pasig, La Mesa dam at Bantay Bata.

Totoo talaga na kapag may may ginawa ka na maganda sa buhay, hindi nakakalimutan ng tao. Totoo rin na  kapag ibinigay mo ang puso mo sa pagtulong, susuklian ito ng mga tao na tinulungan mo in their own way.

Ang maraming tao na nalungkot at nagdasal para kay Gina ay patunay na kapag mabuti ang isang tao, people will remember you with fondness. Goodnight Gina, sleep well, till we see you again.

Yasmien lalong sumipag nang magkapamilya

Masipag talaga si Yasmien Kurdi. Katatapos pa lang ng isang teleserye niya, meron na naman siyang bagong ginagawa, ang Beautiful Justice.

Lalong naging masipag si Yasmien nang mag-asawa at magkaroon ng anak. Mas naging focus siya at nagkaroon ng dobleng motivation sa trabaho.

Her husband Rey Soldevilla really brings out the best in Yasmien na lalong gumanda, naging professional at may depth na ang pag-arte.

I can say that  ito na ang maturing ni Yasmien, sumabay sa pagkakaroon niya ng mga responsibility as a wife and mother kaya hindi nakapagtataka na hindi siya nawawalan ng trabaho at mas maganda ang performance niya. Beautiful Justice talaga.

Real-life serye nina Gerald, Bea at Julia extended!

Kaloka rin ang interview sa nanay ni Gerald Anderson na si Mommy Vangie ha Salve. Kung kailan tahimik na ang lahat, kung kailan humupa na ang init, saka siya umeksena para sa kanyang anak.

Okey naman ‘yon dahil nanay siya kaya may karapatan na magbigay opinyon ang ina ni Gerald.

Masakit lang sa tenga ang kanyang sinabi na never niya na nagustuhan si Bea Alonzo at hindi rin magtatagal sina Gerald at Julia Ba­rretto dahil mas bata at taga-showbiz ito.

Ang immediate reaction, bakit ayaw niya kay Bea? Kung ganoon, totoo pala na naging sina Gerald at Julia.

Bongga rin na open siya na ayaw niya si Bea kaya nagkaroon ng tanong sa isip ng publiko, why? Anong reason?

So all along the three years na on sina Gerald at Bea, may disgusto si Mommy Vangie sa girlfriend ng kanyang anak kaya hindi nga nakapagtataka na nagkaroon ng ghosting dahil mismong ang ina ni Gerald ang may ayaw kay Bea.

Mahihirapan pala talaga na magkatuluyan ang dalawa. Imposible na hindi makinig si Gerald sa mga ipinapayo ng  nanay niya.

Hay naku, complicated situation pala talaga ang kinalalagyan ni Bea. Closed book na, binuksan uli ang sakit. Nadagdagan na naman ang episode ng real-life teleserye nila ni Gerald. Bongga, rater talaga.

Show comments