Andrew E
Andrew E, 16 years ago na ang huling pelikula
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

Labing-anim na taon na ang nakalilipas nang huling nakagawa ng pelikula si Andrew E. ngayon ay muling magbibida ang rapper-comedian sa Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo kasama sina Dennis Padilla at Janno Gibbs.

Mapapanood na sa mga sinehan simula September 4 ang nasabing pelikula mula sa Viva Films. “Ang tagal na rin, ngayon ako ay nagbabalik. Sa totoo lang, simula no’ng F4 generation, tapos dumating ‘yung Pinoy Big Brother, 2004 ‘yon, doon na ako naniwala na wala na ang ‘Andrew E magic.’

Pero naniniwala pa rin ako na hindi pa rin nawawala ‘yung ta­lent ko, ‘yung magic lang. In fact kung ire-revisit mo ‘yung history ng 2004, doon mo mapapansin at ramdam mong hindi na ako visible at mind you, doon ako nag-isip na dahil may pamilya ako, paano na kung wala na itong showbiz generating hanapbuhay, ano ang pwede mong gawin? So from that 2004, doon ako na-in love ulit sa aking dating love. Ang dating love ko ay ang pagiging BSCS ko. Doon ako nag-focus,” pagbabahagi ni Andrew E.

Kumukuha noon ng kursong Bachelor of Science major in Computer Science ang komedyante bago pa pasukin ang show business pero hindi na rin nakapagtapos ng kolehiyo. Tumamlay man ang career ni Andrew E ay hindi naman niya magawang sisihin ang Kapamilya network dahil may ilang programa rin sa telebisyon ang kanyang kinabilangan sa mga panahong hindi aktibo sa paggawa ng pelikula. “Hindi, nagpapasalamat nga ako sa kanila kasi pinagkatiwalaan nila ako bilang aktor. Kumbaga, dahil din sa kanila kaya nabuhay ulit ang acting career ko,” giit niya.

Sue handang makipagbalikan kay Joao!

Kamakailan ay nagkahiwalay na bilang magkasintahan sina Sue Ramirez at Joao Constancia.

Ayon sa aktres ay wala namang naging third party sa pagitan nilang dalawa ng BoybandPh member. “Love ko ‘yon, definitely wala. Madaling sabihin na ‘yung mga differences ay hindi nagma-matter but after two years you’ll actually see the effect. Nakikita mo na ‘yung effect sa iyo at sa kanya. Views and opinions about things. Hindi naman sa na-outgrow ko siya, hindi ‘yon at all. Basta madami lang kaming hindi napagkakasunduan,” pagtatapat ni Sue.

Bukas naman ang dalaga sa posibilidad na makipagbalikan sa dating kasintahan. “Hindi ko pa alam kasi bago-bago pa eh, so we’ll see. Hindi ko pa naman sinasara ‘yung pinto so hindi natin masabi. It’s too early to tell. I don’t close my doors especially to the people na nakapagpasaya at nagmahal sa akin. Hindi ko kaya magsinungaling, hindi ako marunong magsinunga­ling,” makahulugang pahayag ng aktres.

Para kay Sue ay mala­king bagay na marami siyang ginagawang mga proyekto upang malibang at makalimutan kung ano man ang mga pinagdaanan nila ni Joao. “Thank God I had a lot of work. My workmates have been helping me cope with it. Okay naman and we still talk. Hindi kami naghiwalay na hindi kami okay sa isa’t isa,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

ANDREW E
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with