Kyle, kinikilig sa mga ginagawa nila ni Francine
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

Aminado si Kyle Echarri na talagang nadadala at kinikilig siya sa mga eksenang ginagawa nila ni Francine Diaz sa teleseryeng Kadenang Ginto. Maraming mga tagahanga rin ang kinikilig sa tambalan ng dalawa. “Me and Francine kasi kami na ‘yung love team sa Kadenang Ginto. There are times na nahihirapan kaming kiligin. Kasi ang tawag namin minsan sa isa’t isa ‘Pre’ Pero si­yempre may mga times sa eksena na hindi mo talaga maiiwasang makilig. Medyo kinikilig kami sa isa’t isa na alam naming eksena lang,” nakangiting pahayag ni Kyle.

Mas kilala sa tawag na The Gold Squad ang tambalan nina Kyle at Francine kasama rin ang tambalan nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes na mga bida sa nasabing serye.

Para kay Kyle ay gumagaan ang kanilang trabaho sa set dahil talagang pamilya ang turingan ng kanilang grupo. “It’s so much fun working with people you can call family,” giit niya.

Matatandaang unang nakilala ang aktor sa The Voice Kids noong 2015. Mula noon ay nagtuluy-tuloy na sa pag-aartista si Kyle. Ngayon ay hindi pa masabi ng binata kung makababalik pa siyang muli sa pagkanta. “Sa ngayon medyo nagpo-focus na ako sa acting. Since doon din ako nadadala ngayon. Pero I’m happy na makasama ako sa Kadenang Ginto. Kasi hindi ko po akalain na magiging ganito kalaki ‘yung Kadenang Ginto,” pagtatapos ng aktor.

Carmi, pumatos ng miyembro ng LGBT

Nagkaroon ng kasintahang bakla si Carmi Martin noon. Ayon sa bete­ranang aktres ay hindi niya ito naramdaman noong magkarelas­yon pa silang dalawa ng nobyo. “Naku! Maganda ‘yung kwento ko diyan. Nagka-boyfriend ako at ngayon friends kami, at may boyfriend na siya. Minsan nga nag-a-out of town pa ka­ming magkasama. Ang parang na­ging joke nga, naging bading siya dahil hindi na raw kami. Pero siyempre no’ng kami pa, hindi ko naaamoy na gano’n nga siya. Mga eight months din naging kami. At ang kagandahan, talagang girl na girl na siya. Ako nga walang boyfriend pero siya meron. Ngayon ang tawagan nga namin, siya si tatay, ako si nanay at ‘yung boyfriend niya, anak,” nakangi­ting kuwento ni Carmi.

Ilang taon din ang inabot bago pa nalaman ng aktres na bakla ang dating kasintahan. Pagkatapos nito ay may nanligaw din kay Carmi na isang bading. “Nong naghiwalay na kami, few years after lumabas na siya. Nag-out na siya. Nagkaroon pa ako ng isang manliligaw then nabasted. Mamaya may Santacruzan, nakita ko nakapang-muher (damit babae) na siya. Kaya nagkaroon talaga ako ng experien­ces sa kanila. Talagang may nanligaw sa akin at ‘yung isa naging boyfriend ko pa,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

KYLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with