Female personality sinagad ang pamemera sa ex
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

Mahihirapan na ngayong makalusot ang mga drama ng isang female personality sa napaka-generous na taong tumutulong sa kanya. Kung dati’y mabilis ang taong ‘yun, ngayon ay mahihirapan na siyang humingi, nabu­king na kasi ang marami niyang kadramahan.

Parang nagtampo sa bigas ang kilalang female personality, mahal na mahal pa naman siya ng kanyang financier, paano na kaya siya ngayon?

Kuwento ng aming source, “Tingnan natin kung kanino siya lalapit ngayong nabuking na ng benefactor niya ang mga kadramahan niya! Isang malaking alkansiya kasi ang tingin niya sa taong tumutulong sa kanya.

“Antimanong nakadukot agad sa wallet niya ang taong ‘yun anytime na mangailangan siya. Hindi na ‘yun nag-iisip, give na lang nang give! Kaso, pinagsamantalahan niya naman kasi ‘yung tao!

“Porke alam niyang mahal siya at hindi siya kayang tiisin, e, sumobra naman ang mga pinaggagagawa ng babaeng ‘yun! Sinasamantala niya ang kabaitan ng taong kadugo pa naman niya!

“Imagine, bigla na lang siyang nagpapaospital nang walang sabi-sabi! Ni hindi man lang siya magpasintabi du’n sa tumutulong sa kanya! Basta, pupunta siya sa ospital, magpapa-confine siya!

“Tumaas daw kasi ang blood pressure niya, may nervous breakdown pa siyang pinagsasasabi, e, wala namang dahilan para siya magpa-confine! Sino ang magbabayad sa hospital, natural, ang very generous financier niya!

“Gasgas na ang bulsa nu’ng tao sa kabibigay ng mga kailangan niya, kasi nga, e, wala naman siyang work ngayon! Meron na sana, kaso, hindi pa natuloy ‘yun dahil sa mga kadramahan niya!” mahabang kuwento ng aming impormante.

Maliit nga lang ang mundo, isang araw ay nakausap ng bene­factor ng female personality ang kanyang mga doktor. Malapit nang mawala sa ulirat ito nang malaman ang katotohanan.

Balik-kuwento ng source, “Wala naman pala siyang sakit, pero paospital siya nang paospital! Getlak lang siya nang getlak ng datung sa generous giver, palibhasa, e, hindi naman humi­hingi ng billing sa kanya ‘yung tao!

“Basta kung magkano ang sabihin niya, e, give lang nang give ang bene­factor niyang hindi iba sa kanya, kaya ganu’n siyang magdrama!

“Nagpapaturok lang siya ng kung anu-anong gamot na bigay raw ng dating doktor niya, ganu’n ang palagi niyang sinasabi kapag nagpapaospital siya!

“Nabuking na ng benefactor niya ang totoo, tingnan natin kung makalulusot pa siya nang basta-basta sa kahihingi ng datung ngayon!

“Ayusin na lang kasi niya ang buhay niya, siya ang nagpapagulo ng mismong buhay niya, e! Wala naman dapat siyang pinoproblema, pero siya ang gumagawa ng mga problema niya!

“Nakapag-move-on na ang ex niyang male persona­lity, may bagong karelasyon na, pero nabubuhay pa rin sa kahapon ang babaing ito na masarap hambalusin ng bareta ng sabon!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alden at Kathryn, bagong box office king and queen!

Highest grossing Filipino film of all time. Nasa ganu’ng estado na ngayon ang pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil ilang tulog na lang ay maaabot na nito ang isang bilyong pisong marka sa takilya.

Gumagawa ng kasaysayan ang kanilang tambalan, malalampasan pala nila ang kinita ng The How’s Of Us nina Kathryn at Daniel Padilla kung ganu’n, dahil kahit may mga lumabas nang piniratang kopya ng Hello, Love, Goodbye ay pinipilahan pa rin ang pelikula sa mga sinehan.

Wala naman kasing kalugi-lugi ang mga kababayan natin sa tambalan nina Alden at Kathryn, nahuli nila ang kiliti ng mano­nood, maraming eksena sa pelikula ang nang-iimbita ng lungkot, pagluha at komedya.

Napanood na namin ang Hello, Love, Goodbye. Hindi na naka­gugulat kung ‘yun man ang ituturing na highest grossing Filipino film of all time dahil maayos at maganda ang proyekto.

Dati’y basta guwapo lang ang alam ng mga kababayan natin tungkol kay Alden pero ngayon ay aktor na siyang matatawag. Hindi lang nakaaarte ang Pambansang Bae, magaling siyang umarte, na bumagay naman sa laging napakahusay sa pagganap na si Kathryn.

FEMALE PERSONALITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with