Hindi pinaniniwalaan!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

SEEN: Certified blockbuster ang first day ng Just A Stranger dahil sa P12.5 million gross nang magbukas sa 200 cinemas nationwide noong Miyerkules..

SCENE: Ang pag-amin ni Anne Curtis na totoong laway niya ang mapapanood sa kanyang breakdown scene sa Just A Stranger. “Laway yun. Ugly cry at it’s finest. ‘Di naming inulit yung take kasi ganu’n naman pag umiiyak ka, walang maganda. Laway at tulo sipon na hindi mo ma-control.”

SEEN: Ang malakas at umaalingawngaw na panawagan sa buong Pilipinas na huwag hayaan na makalaya mula sa kulungan si former Calauan Mayor Antonio Sanchez, ang mastermind sa abduction, panggagahasa at pagpapapatay sa UPLB student na si Eileen Sarmenta noong June 28, 1993. Pinatay din ng mga tauhan ni Sanchez ang boyfriend ni Sarmenta na si Allan Gomez.

SCENE: Hindi pinaniniwalaan na ang good conduct na ipinakita ni Antonio Sanchez sa kanyang 24 taon na pagkakakulong ang dahilan kaya malapit na ang paglaya niya. Muling naungkat ang kuwento tungkol sa shabu na nagkakahalaga ng P1.5 million na natagpuan na nakatago sa ilalim ng estatwa ni Blessed Virgin Mary sa loob ng selda ni Sanchez sa raid na nangyari sa New Bilibid Prisons noong 2015.

JUST A STRANGER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with