‘Kaya pinagbakasyon na lang si Julia Dennis aminadong hindi kayang makipagbugbugan kay Gerald!
Nitz Mirallez (Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi nakaiwas si Dennis Padilla nang tanungin ng press people tungkol sa anak na si Julia Barretto sa mediacon ng Viva Films movie na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na showing sa September 4.

Bilang ama ni Julia, ano ang feeling niya sa controversy na kinasangkutan ng anak?

“Siyempre, kapag anak mo unang gagawin mo, protektahan. Sabi ko sa kanya ‘wag muna mag social media magpahinga muna at magbakasyon muna. Balik na lang siya ‘pag nag-die down na ang isyu. Sinabihan ko rin siyang magbakasyon muna,” sagot ni Dennis.

Sa isyung nag-usap sila ni Gerald Anderson, sabi ni Dennis, tinext niya muna si Gerald at ang aktor na ang tumawag sa kanya.

“Kinausap ko at ni-remind ko at sinabihang ‘pare, anak ko ‘yan’ alam na niya kung ano ang gusto kong sabihin,” ayon pa kay Dennis.

Pabiro ang sagot ni Dennis na hindi niya puwedeng bugbugin si Gerald dahil malaki ang katawan at pumasok ng military training.

Anyway, sa sinabi ni Dennis, lumabas na ang payo niya kay Julia na mag-off muna sa social media. Hindi nga lang ito tumigil sa pagpo-post sa Instagram (IG), ang ginawa niya pa ay sinet ang account na limitado ang puwedeng mag-comment. Kaya pala walang bashers na makapasok at kakilala at friends lang niya ang puwedeng mag-comment.

Lumalabas din na kaya nagbakasyon sa Hong Kong si Julia with her friends, kabilang si Alex Gonzaga dahil sa payo niya.

Anyway, sabi nina Dennis at Andrew E, idea ni Janno na ibalik ang gamols nilang tatlo, muli silang gumawa ng pelikula nang makausap ni Janno si Mr. Vic del Rosario sa kanyang contract signing sa Viva Films.

As for the movie title, may dati raw ginawang pelikula si director Al Tantay na Sanggano, Sanggwapo nina Eddie Garcia at Bayani Agbayani at dinagdagan na lang ng Sanggwapo.

Si Louise delos Reyes ang kapareha ni Andrew E, si Janno ay si Cindy Miranda at si Dennis ay si Vanessa Wright. Kasama rin sa pelikula sina Julian Trono, Vitto Marquez at Andrew Muhlach.

Claudine inaakusahang pinag-aaway ang mga kapatid at magulang

Pinost ni Claudine Barretto ang video na kung saan, ibinalitang may parang grocery si Gretchen Barretto sa bahay nito sa rami ng food at tsitsereya. Para raw yun sa mga batang bumibisita sa bahay ni Gretchen para hindi na maghanap nang makakain kung ayaw ang pagkain na inihahanda nito.

Balita pa ni Claudine, patatayuan din siya ni Gretchen ng grocery sa bahay niya. Nauubos daw kasi nila ang food ni Gretchen ‘pag dumadalaw sila ng kanyang mga anak sa bahay ni Gretchen.

Curious lang kami sa netizen na sinagot ni Claudine sa kanyang IG. Binati kasi ni Claudine ng happy birthday ang brother niyang si JJ.

May nag-react na magpakabait na siya at inakusahang siya ang dahilan nang pag-aaway ng Barretto siblings. Sabi pa ng basher, mina-manipulate ni Claudine ang parents niya.

Sa sagot ni Claudine na may binanggit na “Ghost Writer” at ‘wag pipili ng may asawa, parang alam ng bashers kung sino ang kanyang pinatutungkulan pero mukhang hindi magre-react ang taong pinaghihinalaan niya.                                                                                  

DENNIS PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with