Tony natuto na!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2019 - 12:00am

SEEN: “Of course,” ang sagot ni Mother Lily Monteverde nang tanungin kung sisingilin nito ang kanyang anak na si Roselle para sa story rights ng kuwento ng buhay niya na isasalin sa pelikula ng Regal Entertainment Inc. Sinabi ni Mother Lily na napapayag siya ng mga anak  na gawin na pelikula ang kanyang  buhay dahil 80-years-old na siya. Si Judy Ann Santos ang gaganap na Mother Lily noong nagsisimula pa lamang itong producer sa 58-year-old movie outfit.

SEEN: Tuwang-tuwa si Mother Lily Monteverde sa red envelope na birthday gift sa kanya ni AiAi delas Alas. Pera ang madalas na regalo ni AiAi kay Mother sa tuwing kaarawan nito.

SCENE: Sina Lorna Tolentino, Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, AiAi delas Alas, Dennis Trillo, Jerald Napoles at ang cast ng Mina Anud ang ilan sa mga showbiz personality na dumalo sa 80th birthday celebration ni Mother Lily sa Valencia Events Place noong Lunes.

SEEN: Successful ang red carpet premiere ng Just A Stranger sa SM Megamall Cinema noong Lunes. Overwhelmed sina Anne Curtis at Marco Gumabao sa mainit na pagtanggap ng audience sa kanilang pelikula na magbubukas ngayon, August 21, sa mga sinehan. Parehong kabado sina Marco at Anne bago sinimulan ang screening  dahil first time nila na mapapanood ang kanilang pelikula. Mai­ngay ang balita na masyadong erotic ang mga love scene nila. 

SEEN: Pagkatapos ng Just A Stranger, ang shooting ng In Between Goodbyes ang haharapin ni Marco Gumabao. Excited siya sa bagong movie project nito sa Viva Films dahil makakatrabaho niya  sina Lovi Poe, Tony Labrusca at ang award-winning director na si Joel Lamangan. Maging professional ang tanging hiling ni Joel  sa mga artista niya sa In Between Goodbyes. Kilala si Joel sa pagiging professional at ayaw na ayaw niya na late na dumarating sa set.

SEEN: Natuto siya na maging humble dahil sa insidente sa Ninoy Aquino International Airport na kinasangkutan niya ang mahalagang aral na natutunan ni Tony Labrusca.

Ayon kay Tony, wala na siyang problema sa Bureau of Immigration dahil naayos na ang working permit niya sa Pilipinas. US citizen si Tony kaya nagkaroon ito ng problema sa immigration counter nang bumalik siya sa bansa noong January 2019. 

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with