Kris Aquino
Kris nagpapatulong kay Lolit Solis na magkaroon ng show sa GMA
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

Hindi pala alam ni Manay Lolit Solis na nag-comment sa Instagram account niya si Kris Aquino na kung puwede i-negotiate raw siyang magkaroon ng afternoon drama sa GMA 7.

Sabi niya sa post ni Manay Lolit tungkol sa naun­s­yaming MMFF entry niyang (K)Ampon.

“Chill na chill ako Nay. Life si good, Aug. 20, I’ll take the kids on a beach break para hindi ko na lang maisip ang 1st shooting day…sa­yang lang yung 4.4 million views na on FB nung pag-visit kay Gabby. Maybe kagaya ng pag negotiate mo for me ng Star Talk before, you can negotiate w/ @gmanetwork a teleserye, same slot as Ika-6 na Utos na super sinubaybayan namin! #faith”

Hiningan ko ng reaksyon si Manay Lolit tungkol dito, ayaw na raw niyang magulo pa ang buhay niya.

Sina-suggest ko kasi sa kanya, bakit hindi niya tulungan si Kris sa GMA 7?

Hindi naman daw niya alam kung bakit hindi natuloy ang pakikipag-negotiate ni Willie Revillame sa GMA 7 na isali niya ito sa Wowowin.

Hindi umokay sa idea na maging co-host ni Willie si Kris sa naturang game show.

Nagtataka lang siya bakit parang ayaw na ng GMA 7 sa kilalang web star.

“Wala ngang nagawa si Willie sa GMA, ako pa?” pakli niya.

Kung sa bagay, ang Cornerstone naman ang humahawak sa acting career ni Kris. Baka meron naman silang magawa para sa pagbabalik-acting nito.

As of presstime, wala pang update sa (K)Ampon kung kasali pa rin ba sa Metro Manila Film Festival o wala na talaga.

Sabi kasi ng MMFF na Lunes, August 19, pa nila ipapadala ang sulat sa Quantum tungkol sa desisyon nilang hindi pinagbigyan ang request na pagpalit ng leading man.

As of presstime, wala pa raw natatanggap ang taga-Quantum na sulat mula sa Executive Committee ng MMFF.

Kaya tinanong ko na si Atty. Joji Alonso kung itutuloy pa rin ba niya ang proyektong ito.

“Oo naman. Sayang ang material eh. Napakaganda, at malaki na ang na-invest ko dito,” pakli sa akin ni Atty. Joji.

Kaya hinirit ko sa kanya na baka kayang ihabol sa deadline ng finished film sa September 20.

Tingin daw niya hindi talaga kakayanin, dahil hindi naman daw ito basta-bastang pelikula lang na kakayanin ng sampung araw na shooting.

As of now, gusto niyang gawin ang pelikulang ito. Hindi lang alam kung kailan niya iri-release.

Ruru gustong ‘balikan’ si Maureen

Naka-focus muna ngayon si Ruru Madrid sa promo ng bagong single niyang Nawawala na nasa Spotify at Apple Music na.

Inspired siyang i-promote ito dahil maganda ang feedback at may LSS ka nga kapag mapakinggan mo.

Kung sakaling mabibigyan siya ng isa pang project, gusto raw sana niyang makagawa ng isang pelikula at type na type niya sanang makasama ang matagal na niyang crush na si Maureen Wroblewitz.

Napapabalita kasing magpi-pelikula na si Maureen pero hindi pa alam kung sino ang ka-partner niya.

Kung kinakailangang mag-audition, gagawin ni Ruru dahil type niya talagang makatrabaho ang magandang Asia’s Next Top Model. “Sabi ko kasi pag pumasok si Mau sa showbiz o sa acting, sabi ko sana ako ang makatrabaho niya. Hopefully, sana magka-work kami,” pakli ni Ruru.

Okay naman daw sila ngayon ni Maureen dahil naging friends na talaga sila at mas okay daw na ganun sila ngayon.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with