Heart naging close sa mga contestant ng Starstruck
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2019 - 12:00am

SEEN: Sina Andrea Brillantes at Khalil Ramos ang mga bida ng The Ghosting, ang horror movie ng Reality Entertainment Inc. na magbubukas sa mga sinehan sa August 28. Movie directorial debut ito ni Joey de Guzman. Walang kinalaman ang pamagat ng pelikula nina Andrea at Khalil sa ghosting ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo.

SCENE: Binago ng Regal Entertainment Inc. ang full trailer ng Ang Hene­rasyong Sumuko sa Love, ang coming of age movie ng direktor na si Jason Paul Laxamana. Mas maganda ang bagong trailer ng pelikula na tinatampukan nina Jerome Ponce, Jane Oineza, Tony Labrusca, Albie Casino at Myrtle Sarrosa.

SCENE: Ang kuwento ni Solenn Heussaff na ayaw panoorin ng kanyang asawa na si Nico Bolzico ang Misterio De La Noche. Sinabi ni Solenn na natakot si Nico nang mapanood nito ang  behind-the-scenes video ng horror movie nila ni Benjamin Alves. Ang Misterio De La Noche ang sexiest movie ni Solenn pero hindi malaswa ang kanyang mga eksena kahit hubo’t hubad siya sa kabuuan ng pelikula.

SEEN: Umiiral ang pagiging konserbatibo ni Benjamin Alves sa tuwing tinatanong tungkol sa kanyang nude scenes sa Misterio De La Noche dahil umiiwas siya na sumagot. Consistent si Benjamin sa pagsasabi na bahagi at importante sa kuwento ng pelikula ang kanyang mga maseselan na eksena.

SCENE: Naging close na si Heart Evangelista sa mga contestant ng Starstruck Season 7 kaya hindi niya mapigilan na maging emosyonal sa tuwing may mga natatanggal na aspiring star sa reality-based artista search ng GMA 7.

HEART
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with