^

Aktor na dyinowa ang aktres na may ka-loveteam, kinakastigo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2019 - 12:00am

Wala pa ring kasunod na teleserye sa kanyang network ang isang aktor na mahusay umarte at rater din naman. Ang tsika, kinastigo ng management ang aktor dahil sinira ang isang love team na bini-build up ng network.

Niligawan ng aktor ang aktres na may ka-love team at naging sila ng aktres. Naiwan sa ere ang ka-loveteam ng aktres at mahihirapan siyang mahanapan ng bagong ka-loveteam dahil nakatatak na sa isip ng tao ang ka-loveteam niyang aktres.

May mga kumakampi sa aktor na hindi nito kasalanan kung naging GF ang aktres na may ka-love team dahil nagmahal lang siya at wala naman siyang inagaw. Dapat daw pati ang aktres kastiguhin din ng network dahil minahal nito ang aktor.

Hindi alam kung hanggang kailan ang pagkastigo sa aktor at mabuti na lang, may regular show at naggi-guest sa ibang shows ng network, kaya hindi nawawala sa eksena.

Suggestion ng press people, bakit hindi ang magkarelasyong aktor at aktres nayon ang pagtambalin sa susunod na teleserye ng network?

KathNiel fans nagwawala na kina Kathryn at Alden

May rason naman pala ang KathNiel fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung bakit ayaw nilang malampasan ng Hello, Love, Goodbye ang total gross ng The Hows Of Us na pinagtambalan nina Daniel at Kathryn. Ayaw nilang maalis sa pagiging highest box office movie in the country ang THOU.

Kapag daw na-dislodged ang THOU ng Hello, Love, Goodbye, pangalan lang ni Kathryn ang mare-recognize at mapapalitan si Daniel ni Alden Richards. Ayaw nilang mangyari ‘yun, kaya kahit natutuwa sila na kumikita ng malaki ang movie nina Kathryn at Alden, ang dasal ng KathNiel fans, hindi na malampasan ang P900M ang total gross ng THOU. 

Ang huling labas ng Star Cinema ng gross ng Hello, Love, Goodbye ay P505,773,926.62 as of August 12.

Aiko nakikita ang anak kay Sofia

Sa tatlong young actresses na bida sa Prima Donnas, kay Sofia Pablo mas close si Aiko Melendez dahil nakikita niya ang anak na si Marthena dito. Pero, hindi ibig sabihin na ayaw niya kina Jillian Ward at Althea Ablan, mas close lang siya kay Sofia na sabi ni Aiko, nagti-text sa kanya.

Nag-post si Aiko ng picture nila ni Sofia sa kanyang Instagram (IG), after ng mediacon ng Prima Donnas na airing na sa August 19, sa direction ni Gina Alajar.

“Another baby of mine:) She is just too adorable. She keeps messaging me just to be in touch with me. And how she adores  me:) sweet young lady! Thanks for sending me our picture  together! Love and kisses. Looking forward to our scene together!

P.S. di ba tita Aiko is mabait di naman nakakatakot ahahaha! Am i that convincingly bad?.”

Wala pang masyadong eksena si Aiko sa tatlong mga bagets at sa napanood namin, si Jillian pa lang ang nakarating sa mansion ng mga Claveria. Siya pa lang ang nakatikim ng bagsik ni Chanda Romero sa Prima Donnas.

AIKO MELENDEZ KATHNIEL FANS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with