KC ayaw nang pagkakitaan ang showbiz?!

KC Concepcion

Marami ang nanghihinayang na matagal nang walang TV and movie project ang panganay na anak ng Megastar Sharon Cu­neta na si KC Concepcion.

The beautiful and talented KC has so many things to offer dahil bukod sa pagiging mahusay na singer, actress at dancer ay magaling din itong host.

Huling napanood sa pelikula si KC nung 2013 pa sa pamamagitan ng MMFF movie na Boy Golden: Shoot To Kill (The Arturo Porcuna Story) na pinagtambalan nila ni E.R. Ejercito habang ang last TV series na ginawa nito ay nung 2014 pa, ang Book 2 ng Ikaw Lamang.

Ang last TV guesting niya ay nung 2016 pa nang ito’y lumabas sa Tonight with Boy Abunda at Magandang Buhay at nang siya’y maging host ng 2016 Bb. Pilipinas.

Ngayon ay aktibo si KC sa iba’t ibang magazine shoot.

Still on KC, marami ang nagtataka kung bakit hindi na nakikita sa mga posts nito sa kanyang Instagram account ang kanyang French boyfriend na si Pierre Emmanual Plassart?  Hiwalay na ba ang dalawa?

Belle... pinaghirapan ni atty. Joji

Wala pa kaming nakukuhang feedback sa pelikulang Belle Douleur na pinagbibidahan nina Mylene Dizon at Kit Thompson at directorial debut ng practicing lawyer and movie producer na si Atty. Joji Alonzo. 

Ang nasabing pelikula ay isa sa mga pinilahang pelikula sa katatapos pa lamang na ika-15 taon ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na nagtapos sa awards night nung nakaraang linggo, August 11.

Ang Belle Douleur (French term for beautiful pain) na joint-production ng Quantum Films ni Atty. Joji at ng iWant ay nagsimulang ipalabas in commercial theaters kahapon, August 14.

Speaking of Atty. Joji, hindi nito ikinaila na hindi naging madali para sa kanya ang pagiging director at producer ng pelikula dahil sa kanyang profession bilang isang practicing lawyer.  Hanggang sa shooting ay dala-dala umano niya ang kanyang laptop para patuloy pa rin siyang nakakapag-communicate sa kanyang mga client.

Inamin din ng abogada at film producer na sobra umano siyang nainlab sa kuwento ng Belle  Douleur na siyang naging daan ng kanyang pagiging isang director.

Show comments