Mga residente ng HK, ibang klase ang protesta
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

Nakakaloka naman ang nagaganap na protesta sa Hong Kong, Salve. Very cosmopolitan ang Hong Kong at busy ang lahat ng mga tao pero they have time para mag-rally dahil sa issue na ipinaglalaban nila, matanda at bata nasa kalye para sa protesta.

Ganyan ang pagpapakita ng concern sa bayan, hindi bale na hindi sila pumasok sa trabaho at school, basta ang importante, malaman ng mga namumuno na hindi nila gusto ang ginagawa ng mga namamahala.

Hindi sa ibang mga bansa, panay ang salita ng mga tao pero patago naman ang kanilang mga protesta.

Kung may mga ipinaglalaban, dapat na kasali ang lahat ng sector ng lipunan, hindi ‘yung faction lang dahil ayaw ng iba na makisama.

Dapat suportado ng lahat ang mga kilos-protesta tulad ng ginagawa ng Hong Kong citizens na talagang ipinapaalam ang mga problema ng bayan kaya hindi puwedeng gumalaw ng mali ang pamahalaan. Ipinakikita ng Hong Kong residents ang kumpletong suporta nila sa mga isyu na inirereklamo.

Alfred nakaalis ng HK bago nagkaroon ng chaos

Mabuti na lang, hindi na-stranded sa Hong Kong si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas noong Lunes.

Nakalipad na ang eroplano na sinakyan ni Alfred pabalik sa Pilipinas nang sakupin ng Hong Kong residents ang international airport kaya nakansela ang departing flights.

Kung hapon ang return flight ni Alfred sa Maynila, sure na hindi siya makakaalis dahil sa chaos na nangyari noong Lunes sa international airport ng Hong Kong.

Pero sinabi naman ni Alfred na very organized ang mga rally sa Hong Kong kaya hindi ito nakakaapekto sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao.

Apat na araw na nanatili sa Hong Kong si Alfred at si Shaina Magdayao, isa sa leading ladies niya sa MNL-HK-NY.

Si Iza Calzado ang other leading lady ni Alfred sa bagong movie project nito na bongga dahil sa Hong Kong at New York ang shooting.

Ang sabi ni Alfred, never sila na nagkaroon ng problema sa kanilang shooting sa Hong Kong dahil napag-aralan na ng direktor na si Mac Alejandre ang mga kukunan na eksena.

Take It... binabaha ng pagkain

Saya-saya ko Salve ‘pag Tuesday dahil ang daming nagdadala ng food sa Take It... Per Minute! (May Ganun). Like meron na naman nagdala ng bagong product na chicken spread na kaibigan ni Ogie Narvaez na ang sarap-sarap sa mainit na kanin at crackers. At iyon Mama Chi’s na ang dami palang iba’t ibang products like taro chips, bottled tuyo at greaseless peanuts, na personal pang dinala ni Mommy Chi ha kaya na-meet natin siya ng personal.

Iyon rambutan na padala ni Mommy Fleury Estrada pero higit sa lahat iyon pagmamahal ni Rhea Tan ng Beautederm.

Ang sweetness ni Pia Romeo na talagang ipinatikim sa atin ang mga pagkain sa bago nilang negosyo ni Terrence na balita ni Cristy ang husay ng performance sa last basketball game niya.

Hay naku, kamuntik mawala ang momentum ko dahil sa nawala ang signal at na-off the air tayo pero dahil sa dami ng duma­ting na food, back agad energy ko, hah hah kaloka.

Kaya watch kayo always ng Take It... ha. Every Tuesday, 12:00 to 1:00 p.m. sa Facebook page ng Pilipino Star NGA­YON.

ALFRED VARGAS HONG KONG MASS PROTESTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with