Janella Salvador at Marcus Patterson
Janella obvious ang pagka-in love kay Marcus
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2019 - 12:00am

Obvious na in love ngayon si Janella Salvador   kay Marcus Patterson. Ewan kung totoong iniiwasan niya na mapag-usapan ito at maisapubliko ang kanilang relasyon para di maulit ang over exposure na pinaniniwalaan niyang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Elmo Magalona. Madali namang sabihing wala silang relasyon, kung wala nga pero, the mere fact na hindi niya ito magawa ay isang indikasyon na meron nga silang itinatago at ayaw ilabas, baka for the sake of their careers. 

Si Marcus ay hindi pa umaariba ang karera at si Janella ay susubukan pang i-tandem kay Joshua Garcia na 100% nang hiwalay sa dati niyang ka-loveteam. Pareho silang nangangailan ng partners.

PPP maraming papremyosa FanCon

Ilulunsad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 sa pamamagitan ng isang PPP3 Grand FanCon sa August 31, 2019, 9:00 AM-10:00 PM sa SMX Convention Center.

Pagkakataon niyo at ng barkada’t pamilya niyo na makahalubilo ang inyong mga paboritong artista ng mga kalahok na pelikula via selfie, jamming and dancing: Cuddle Weather (Sue Ramirez, RK Bagatsing); LSS (Last Song Syndrome ( Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Ben & Ben); Panti Sisters (Paolo Ballesteros, Christian Bables, Martin del Rosario); G! (McCoy de Leon, Jameson Blake); I’m Ellenya. L (Maris Racal, Inigo Pascual); Watch Me Kill (Jean Garcia. Jay Manalo); Open (JC Santos, Arci Muñoz); Circa (Anita Linda, Gina Alajar, Laurice Guillen, Jaclyn Jose, Enchong Dee, Elizabeth Oropesa); Lola Igna (Angie Ferro, Yves Flores, Meryll Soriano, Maria Isabel Lopez); Pagbalik (Gloria Sevilla, Susette at Vince Ranillo). 

Maraming pwedeng mapanalunan ang fans na darating at makikilahok tulad ng festival passes, freebies and merchandise mula sa mga 2019 PPP films at makapanood ng isang romantic concert nina Gabbi, Khalil at Ben & Ben. 

Bela ginalingan ang ending ng May Sala...

Magaling si Bela Padilla sa Sino Ang Maysala na nag-ending na kagabi. She was so good in her role na marami ang nagalit sa kanya and at the same time ay humanga rin sa range of acting na ipinamalas niya. Marami nga ang naniniwala na mas mahihirapan siyang makuhang muli ang loob ng mga nagalit na viewers sa kanya because of her evilness, lalo’t baka isang romance ang pagsasamahan nila ni Aga Muhlach.

Shaina tatapatan si Cristine

Mapapalaban pa ng husto ang akting ni Cristine Reyes sa pagpasok ng isa pang magaling na Kapamilya actress sa sinusubaybayang Nang Ngumiti Ang Langit sa umaga ng ABS-CBN.

Isa si Shaina Magdayao sa maituturing na pinakamagaling na Kapamilya artists na nangangamoy best actress sa darating na awards season dahil sa magaling niya performance sa isang episode ng Maalaala Mo Maya.

Sa mga unang trailer ng NNAL, hindi drama kundi isang kikay ang role ng magandang aktres na pwede sa lahat ng uri ng roles. Hindi pa lang malaman kung tulad ni Cristine at Pilar Pilapil ay pahihirapan din niya ang buhay ni Mikmik, ang pinaka-importanteng karakter sa serye.

JANELLA SALVADOR MARCUS PATTERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with