^

PSN Showbiz

Yasmien umpisa na ng training!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Yasmien umpisa na ng training!
Yasmien

SEEN: Matagal bago nakalabas ng Batasang Pambansa ang mga dumalo sa State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte noong Lunes, July 22, dahil sa dami ng mga sasakyan at tao. Nagpalipas muna ng ilang oras sa kanilang mga opisina ang ilang mga kongresista dahil iniwasan nila na sumabay sa pag-alis ng mga bisita.

SCENE: Nagsimula na ang training ni Yasmien Kurdi para sa Beautiful Justice, ang upcoming primetime television series ng GMA-7 na pagbibidahan nila nina Gabbi Garcia, Valeen Montenegro at Bea Binene. Ang Beautiful Justice ang plano ng Kapuso Network management na ipalit sa Sahaya kapag nagwakas ito at itapat sa FPJ’s Ang Probinsyano.

SEEN: Sama-samang pinanood noong Lunes nina Kathryn Bernardo, Alden Richards at ng mga executive ng ABS-CBN ang special preview ng Hello, Love, Goodbye, ang pelikula ng Star Cinema na mapapanood sa mga sinehan simula sa July 31, 2019. Dadalo sina Alden at Kathryn sa premiere ng Hello, Love Goodbye sa Dubai at Abu Dhabi sa August 9 at August 10, respectively.

SCENE: Amgo ang pamagat ng bagong EP ni John Roa sa Viva Records. Inabot ng isang taon bago nakumpleto ni John ang 5-track album dahil pinaghandaan niya nang mabuti ang mga kanta na inspired ng kanyang life journey. Former Ex Battalion member si John Roa pero nagpaalam ito sa grupo nang magdesisyon siya na magkaroon ng solo career.

SEEN:Pangarap ni John Roa na makapag-compose ng kanta para sa ibang mga artist. Si Sarah Geronimo ang isa sa mga gustong-gusto niya na igawa ng kanta dahil malaki ang respeto at mataas ang kanyang paghanga sa singer-actress.

SCENE: Ngayon ang judgment day kay Michael V. bilang producer at direktor. Magbubukas ngayon sa mga cinemas nationwide ang Family History, ang movie directorial debut ni Michael V. at comeback movie ng GMA Pictures.

vuukle comment

YASMIEN KURDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with