Catriona & Manny
Catriona tinilian sa ‘Raise The Flag’ sa Vegas, bagong hermes ni Jinkee inaabangan na
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

Pinatunayan ni Sen. Manny Pacquiao na ‘age is just a number.’

Kahit na nga 40 years old na siya at 30 lang ang kalabang si Keith Thurman napatumba niya ito.

Marami agad kasing nag-nega sa Pambansang Kamao na kesyo mas bata raw ang kalaban at ito rin naman si Thurman feeling super confident. Marami pang thrashy talks. Kaso sa unang round pa lang tinumba na siya though aminado naman si Pacquiao na nahilo rin siya.

Iba rin talaga si Pacquiao.

Actually parang mas exciting itong laban niya kay Thurman kesa kay Broner last January.

Anyway, nag-‘raise your flag’ naman si Miss Universe Catriona Gray sa  kahapon sa MGM Las Vegas.

Tumatak at naging slogan ni Catriona ang ‘raise your flag’ na naging kanta pa sa kanyang Homecoming Special sa ABS-CBN last May.        

Ang Raise Your Flag ay naging sagot niya sa Miss Universe Pageant nang tanungin siya ng host na si Steve Harvey ng “If you were to write a song about your experience here in Miss Universe, what would you call it?”

Na ang sinagot nga ay ‘raise your flag’ dahil damang-dama daw niya ang pagmamahal at suporta ng mga Pinoy na dumayo noon sa Bangkok, Thailand para mapanood ang Miss U.

Obviously nagdala rin ng suwerte ang pagwagayway ni Catriona ng ating bandila sa laban ni Pacman vs. Thurman kahapon na mas lalong nagpatili sa mga nanood sa MGM.

Pero ang isa sa pinag-usapan din kahapon ay kung ilang bagong Birkin bag ang mabibili ni Jinkee. Sigurado raw na naman siyang may bagong mga Hermes matapos ang nasabing panalo ng mister na boksingero.

Well, I’m sure walang pakialam si Jinkee sa mga hater. Mas importante sa kanyang makarampa at makapag-shopping.

Yun naman ang mas dapat bilang pinaghirapan naman ‘yun ng mister niyang si Sen. Pacquiao.

CATRIONA GRAY JINKEE PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with