Jane de Leon at Coco Martin
Jane de Leon bagong Darna, Coco tumanggi sa cameo role!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

So si Jane de Leon na nga ang napisil na bagong gaganap na Darna sa pelikula na nauna nang binitawan nina Angel Locsin and Liza Soberano for health reason.

Star Magic talent si Jane at napanood sa Halik at La Luna Sangre. Dalawang beses na rin siyang gumawa ng pelikula sa Regal Entertainment.

Support lang ang role niya sa dalawang nabanggit na palabas ng ABS-CBN at pelikula.

Sa Halik ay bilang kapatid ni Jericho Rosales habang sa La Luna... ay isa siya sa moonchasers. Ang Walwal at Debutantes naman ang pelikulang nagawa niya.

Member din si Jane ng GirlTrend na napapanood sa It’s Showtime.

Ang sabi sa report ng ABS-CBN, almost 300 talents ang nag-audition para gumanap na Darna.

Si Jerold Tarog ang direktor ng movie na una na ring binitawan ni Direk Erik Matti.

Sana talaga ay matuloy na ang paglunok ng bato ni Jane para maipalabas na ang pelikula na naudlot nang magkasakit sa spine si Angel at magkaroon ng injury sa daliri si Liza na muntik pang maputol kung hindi naagapan ang pagpapa-check up sa Amerika.

Wala pang inilalabas na ibang pangalan ang Star Cinema kung sinu-sino ang makakasama ni Jane sa pelikula pero kinumpirma ng isang source na ka-join sa cast si Christopher de Leon, Paulo Avelino at Amy Austria.

Inalok din diumano si Coco Martin para sa cameo role pero tumanggi ang Probinsyano actor. Maraming pangalang lumutang bago pa si Jane tulad nina Nadine Lustre at Julia Barretto.

So kelan nga kaya ito matatapos at ipalalabas?

JANE DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with