Kathryn/Marian movie magandang idea!

Marian Rivera at Kathryn Bernardo

Gusto ko iyong guesting ni Kathryn Bernardo sa Unang Hirit Salve ha, very natural yung pagsagot niya ng Marian Rivera bilang choice niya na makasama ‘pag gumawa siya project sa Kapuso, at yung feeling niya na para sa kanya ay si Marian ang pinakamaganda among all stars.

Cute dahil patunay na noong nagkasama sila sa Endless Love ay naging maganda ang samahan nila.

Masarap para sa isang artista na meron siyang kapwa artista na mahal at hinahangaan siya gaya ng paghanga at pagmamahal ni Kathryn kay Marian.

Sana nga magkasama sila sa isang project at sana nga ay magkaroon ng pagkakataong muli na makagawa ng isang project na magkasama ang Kapuso at Kapamilya. Bongga ‘di ba? At cute combi, mapababae o mapalalaki man ang artistang magsasama, cute pa rin. Halimbawa na lang ng Alden Richards at Daniel Padilla, o iyon ngang Marian Rivera at Kathryn Bernardo.

Sige na, ituloy na yang mga project na yan!

Congressman na nanapak sinayang ang posisyon!

Natawa naman ako sa isang congressman na nanuntok ng waiter sa Legazpi City noong July 7.

Si Ang Probinsyano party-list representative Alfred delos Santos ang congressman na tinutukoy ko na nanuntok sa waiter na si Christian Kent Alejo pero nakailag ito.

Dahil sa ginawa ni Delos Santos, nagkaroon ng biruan na sanggano o basagulero ang dapat na pangalan ng party-list nan ire-represent niya.

Sa mga ganitong sitwasyon, talo agad si Delos Santos dahil nakunan ng CCTV ang kanyang ginawa at lumabas ang footage.

Ang pagsapak lang ni Delos Santos ang nakita sa CCTV, wala ang eksena na nangyari bago naganap ang insidente.

Pero dapat talaga na mas mahaba ang pasensya ng mga nakatataas dahil congressman siya. Kung may nagawa na mali ang waiter, pagpasensyahan na lang at daanin ang lahat sa magandang usapan.

Maganda naman ang gesture ni Delos Santos dahil humingi siya ng sorry at tinanggap niya na mali ang kanyang ginawa.

Okey rin sa kanya ang desisyon ng partido na alisin muna siya o suspendihin para hindi ma­damay sa kontrobersya ang Ang Probinsyano.

He was man enough to admit his mistake kaya sigu­ro tinanggap naman ng waiter ang kanyang apo­logy.

In this case, dapat talaga na kalmante ka, no hot head, no short- temper at no emotional heat para hindi makagawa ng bagay na pagsisisihan later dahil sa one minute of madness na hindi pina­lampas.

Sayang, first time politician si Delos Santos, first time na matitikman ang trabaho as congressman pero nawala ang lahat ng magandang pagkakataon dahil pinairal niya ang init ng ulo.

How trivial, sana maging aral sa lahat na waste of time ang konting galit. Waste of energy, malaking sayang.

Show comments