Bong
MMFF nagpaliwanag sa pagiging regular nina Vice at Vic
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2019 - 12:00am

Lumabas ang pagka-fan ni Sen. Bong Go sa Filipino films nang aminin niyang talagang nanonood siya ng mga Pinoy film at sumusubaybay daw siya sa taunang Metro Manila Film Festival.

Simula raw sa part one ng Shake, Rattle & Roll hanggang sa huling episode nito ay pinapanood daw niya kaya isa raw siya sa excited tuwing may MMFF.

Kaya ngayong senador na siya at marami na rin siyang mga taga-showbiz na kaibigan, gusto niyang panindigan ang pangako niya noon na bibigyan niya ng pansin ang problema sa movie industry.

“I’m here. I’m willing to support kung ano ang puwede nating gawin para sa Pelikulang Pilipino sa ngayon.

“Si Pangulong Duterte po, gustung-gusto niya pong tulungan ang mga artistang Pilipino,” sabi pa ni Sen. Go.

Kaya ipu-push daw niya na matutuloy ang pagbuo ng isa pang Metro Manila Film Festival kapag naayos daw niya ito sa MMDA na sana mag-agree rin ang theater owners.

“Itong sa MMFF nakikita ko kasing nagkakaisa ang mga Pilipino tuwing…week long na yan no, talagang nagpupuntahan sila sa mga mall, sa mga cinema, talagang tinatangkilik nila ang mga pelikulang Pilipino.

“Maybe one of the suggestions lang po yan. Marami pa po akong plano na iniisip ko pa kung paano tayo makatulong sa mga worker natin lalo na po yung mga mababa na trabahante na talagang guma­gawa ng pelikula.

“Iyun po ang kinukuwento sa akin nila Ipe (Phillip Salvador), nila Robin (Padilla) na parati nilang kinukuwento na wala silang proteksyon, wala na silang trabaho. Iyun po ang gusto kong tutukan kung papaano natin sila tutulungan. Yung security nila sa kanilang pagtanda. Lalo na po, malaki po ang kanilang naging kontribusyon sa pelikulang Pilipino,” dagdag na pahayag ni Sen. Go.

Dugtong ni Cong. Dan Fernandez na bahagi rin sa Executive Committee ng MMFF, naipasa na raw niya ang bill kung paano pa makakatulong sa ating movie industry. “One of the provisions of bill na ipinasa po natin ay sana mabago ang percentage ng mga international movies sa bansa po natin.

“May certain percentage po na makakapasok sila and at the same time ang mga local films as well,” saad ni Cong. Dan.

Samantala, sinagot din ng ilang taga-Screening Committee ang ilang nagkukuwestiyon sa pagpili sa apat na script na pasok sa MMFF.

Lumalabas pa rin kasing malaki ang bahagi ng commercial viability kaya hindi nawawala ang pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto na napatunayan na ang lakas nila sa takilya tuwing MMFF.

“Balanse po ang criteria sa pag-select ng entries. Kasama po talaga ang commercial viability, pero malaking portion din po ang ibang criteria, ang Filipino values, ang artistic, cultural…nasa 60 percent po yun. Balanse po yan, at gini-grade po lahat ng pelikula na base sa criteria na yun.

“Masasabi po namin na yun pong pumasok na pelikula na apat na yun ay magaganda po talaga,” sagot ni Atty. Don Artes na sa Screening Committee.

Dagdag na pahayag ni Jojo Garcia na General Manager ng MMDA; “In fact, sa deliberations po namin, dikit-dikit po yung score nung top 8, hindi po nagkakalayo yung score.

Kaya 40 percent daw ang commercial value dahil kailangan talaga ng financial aspect. “We will help them on some capacity kaya ang commercial value malaking factor.”

Kris nagpaplano ng maraming anak

Binibigyan na raw ni Kris Bernal ng dalawang taon ang sarili, puwede na raw siyang magpakasal.

Thirty na kasi siya ngayon, at iniisip daw niya na sa edad na 32, married na siya.

“Three more years feel ko for family. Pero siguro yung getting married, siguro two years. Gusto ko na kasi ng maraming anak,” nakangiting pahayag ni Kris nang nakatsikahan namin sa nakaraang mediacon ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Hindi pa naman daw nila napapag-usapan ng non-showbiz boyfriend niya ang mag-settle down, pero anytime kung sakaling mag-propose sa kanya, ready naman daw siya.

Medyo namimili na nga raw siya ng mga project na ginagawa niya dahil parang napapagod na raw siya sa mga dati niyang role na ginagampanan.

Gusto naman daw niya iyung challenging kagaya nitong bago niyang drama series kahit parang support pa siya rito kina Megan Young at Rayver Cruz.

Twelve years na rin daw siyang nag-aartista kaya mas gusto na niya yung natsa-challenge ang pagiging aktres niya.

Kumportable pa si Kris sa mga kasama niya rito na parang naging paboritong leading man na niya si Rayver dahil nagkasama na rin sila noon sa Asawa Ko, Karibal Ko. Si Rayver na nga raw ang favorite leading man niya.

BONG GO METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with