Nadine at Aga may pelikula!

Aga, Nadine

Hindi lamang pala ang pagganap ng Darna ang puspusang isinusulong ng mga nangangalaga ng karera ni Nadine Lustre, balak din nilang mas pasikatin pa ito kahit nag-iisa at hindi kasama ang ka-loveteam na si James Reid. Tanggap naman si Nadine with other leading man, katulad nang pinatunayan niya sa Ulan na nakaya niyang itawid kasama si Carlo Aquino at ng iba pang aktor (AJ Muhlach, Xian Lim, Marco Gumabao). 

Ngayon planong gawan sila ng project ni Aga Muhlach na kapag natuloy ay para na ring nakuha niya ang Darna. Tinatayang magi­ging malaking tulong sa kanya si Aga lalo’t maibibigay niya ang kilig na hihingin ng pagsasama nila.

May mga Best Actress naman si Nadine na patunay ng kung ano ang kaya niyang ibigay sa role na gagam­panan niya.

Nora hinahanapan ng bagong director 

Sayang naman at bibihira lamang tumangap ng movie project ni Nora Aunor tapos mabubulilyaso pa dahil na-stroke si Arlyn dela Cruz, ang direktor na hahawak ng pelikula na pagsasamahan nila ng Superstar. 

Mabuti na naman ang kalagayan ng direktora pero, kailangan pa nito ng matagal na gamutan at pahinga. Hindi pa siya makakahawak ng isang seryosong proyekto na tulad ng Ninang Corazon na sa paghanap pa lamang ng magagamit nilang lokasyon ay nahirapan na siya, yun pa kayang shooting na kakaharapin niya? Para naman hindi masayang ang panahon na ginugol sa pre-production, balak kumuha ng direktor na makakapalit ni Dela Cruz. Medyo mahirap ito dahil dapat sing-galing ito ng nagkasakit na direktor. Hindi pwede ang kung sinu-sino lang. Baka hindi siya makasundo ni Nora. Baka sa halip ay umayaw din ito. Kapag nangyari ito ay tuluyan nang masi-shelve ang project.

Kris unang ninang nina Angel at Neil!

Ngayong engaged na si Angel Locsin kay Neil Arce, matuloy na kaya ang pagni-ninang ni Kris Aquino sa kanilang kasal? Matagal na itong napagkasunduan nina Kris at Angel, hindi lamang seryoso kundi isang parang biruan lamang dahil noon ay wala pa sa agenda ng aktres ang pag-aasawa. Ngayong tinanggap na niya ang proposal ng movie producer, next step nito ay kasalan na!

Vivoree at Charles malakas ang kilig

Nakaungos ng malaki sina Vivoree Esclito at Charles Kieron dahil sa pagbibida nila sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya. The episode served bilang booster ng kanilang love­team at promo din ng ginaganap ngayong Idol Philippines tungkol sa isang kabataang mag-asawa na sumali sa pakontes pero, parehong hindi pumasa sa audition.

Malakas ang chemistry ng magkapareha na matagal nang naghahangad na makabilang sa mga pangunahing loveteam ng bansa pero sa MMK lamang talaga nabigyan ng malaking break.

Diego miss na ng fans

Marami ang natuwa nang maglaro sa One Minute to Win It ang magkapatid na Teresa at Bing Loyzaga. Tuloy na-miss na naman si Diego Loyzaga na patuloy sa kanyang absence sa local showbiz. Magaling pa naman itong artista na katulad nina Teresa, Bing, at Cesar Montano. Namana niya ang kagalingan ng mga nabanggit sa pagiging artista. May balita na naghahanda na si Diego na balikan ang kanyang pag-aartista . 

Good news ito sa kanyang fans and followers dahil sayang nga naman kung aaksayahin niya ang talento niya na magbibigay sa kanya ng kasikatan, magandang trabaho, karangalan at masaganang buhay.

Show comments