First fan meet nina Kathryn at Alden dinumog kahit maulan

Dinumog ng mga fans ang first fan meet nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na ginanap sa South Park Alabang nung kamakalawa nang gabi.

Dedma sila sa malakas na ulan, pinuno nila ang venue at sulit naman dahil masaya sila sa mahigit isang oras na mall show para sa promo ng pelikula nilang Hello, Love, Goodbye na magsu-showing na sa July 31.

Bukod kina Kathryn at Alden, kasama rin sa cast na nagpasaya sa fans sina Maymay Entrata, Kakai Bautista at Joross Gamboa.

Si Joross muna ang unang umakyat sa stage para kantahan ang mga nandun. Sumunod si Kakai, then si Maymay na.

Pagdating sa dalawang bida, si Alden muna ang unang kumanta, at huling tinawag si Kathryn, at ang duet nila ang nagtapos ng mall show, Kinanta nila ang theme song ng movie na Kung ‘Di Rin Lang Ikaw ng December Avenue.

Siyempre, hindi nawala ang groufie with the fans.

Nag-enjoy din ang fans na namili ng mga movie merchandise gaya ng T-shirts, sweatshirts at mugs dahil nagkaroon pa sila ng chance na makapagpa-picture sa buong cast.

Doon na rin nila in-announce na ngayong araw, July 1 ay ipalalabas na ang trailer ng naturang pelikula.

Kaabang-abang naman ang pelikula dahil base sa teaser na napanood namin, may chemistry silang dalawa at kinilig kami.

Puring-puri nga ng mga taga-Star Cinema lalo na si direk Cathy Garcia-Molina si Alden. Nagaga­lingan sila sa Kapuso actor.

Magandang aktres na napapanood sa isang serye, pinagdududahang buntis!

Dalawang showbiz mom na ang nakausap namin na pareho ang obserbasyon nila sa magandang aktres na ito na kasama sa isang drama series.

Parang buntis daw siya!

Hindi naman daw sila sure kung totoo ang tingin nila. Pero parang nag-iba raw kasi ang hugis ng balakang nito na mukhang nagdadalang-tao.

Ang isang showbiz mom ay may apat na anak, at may dalawang anak na rin ang isa, kaya siguro naman kaya nilang mag-detect sa isang babae kung buntis o hindi.

Nagtanung-tanong ako sa ilang katrabaho ni magandang aktres, wala naman daw silang nakitang kakaiba.

Titingnan na raw nila ngayon kung totoo ba o hindi pagkatapos naming binigyan ng malisya ang nabago sa katawan nitong magandang aktres.

May boyfriend naman si magandang aktres at hindi naman daw totoo ang pagka-link sa leading man kaya baka nga naman.

Basta, iyun lang daw ang naobserbahan nila rito na puwede ring nagkamali lang sila ng tingin.

Abangan na lang natin.

Derek naalarma sa kumalat na address nila

Ngayong gabi na magsisimula ang bagong drama series ng GMA-7 na The Better Woman na mapapanood sa GMA Telebabad pagkatapos ng Sahaya.

Marami raw talagang mga daring o steamy scenes sina Derek Ramsay at Andrea Torres, pero maingat sila sa mga eksena na hindi masita ng MTRCB.

Tiningnan daw nila kung pang-SPG talaga at sinabihan naman nila ang mga magulang na dapat bantayan nila ang kanilang mga anak kung sakaling gising pa sila at napapanood ito.

Sa nakaraang mediacon ng The Better Woman, napangiti na lang si Derek na ikinuwento sa aming sa buong showbiz career niya ay ngayon lang daw siya nakakaranas na ma-bash pagkatapos nilang mag-break ni Joanne Villablanca.

“But I don’t call them bashers as long as they put it in a respectful manner, I used that to learn,” pakli ng bagong Kapuso actor.

Ayaw daw niya sanang patulan ang mga ito, pero hindi niya napigilang sagutin nang pagbintangan siyang malupit sa mga kasambahay niya.

Nag-react pa siyang ipinost pa ang address ng bahay niya.

“They said it’s my neighbor.

“I don’t live my life with assumptions.

“I don’t want to assume and go outside and see…I have not that anything to my neighbors. So, I don’t think my neighbors would have anything bad to say or do to me.

I get along with all my neighbors in my village. So, I don’t know where it’s gonna be.

“It’s so easy for them to say na kapitbahay…like I said tingnan mo ang kasama ko ngayon, kasama ko yung PA ko, kasama ang anak niya. I love the people who are with me in the house.

“I just wanted to say my two cents na, you know medyo bastos yung inaano mo, kasi pinost pa yung address ng bahay ko eh, which binura.

“That was alarming. That’s for security na okay this person knows where I live.,,.and then putting it on social media and then erasing it,” pahayag ni Derek.

Show comments