Kathryn Bernardo at Alden Richards
Kathryn ayaw mag-expect na malalampasan ng ‘Hows’ ang ginawa nila ni Alden
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

Sa July 31 na ang playdate ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Nung nakaraang Biyernes ipinalabas sa Ang Probinsyano ang teaser at sabay in-upload na rin sa digital portal ng ABS-CBN.

Ang bilis nag-viral ang teaser na yun dahil maganda ang feedback. Nabitin nga raw ang mga fans, kaya excited na rin silang mapanood ang full trailer.

Magaling ang Star Cinema magpasimula ng promo dahil ginawa pa nilang event ang Poster at Playdate Reveal na ginanap sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma kamakalawa ng hapon.

Ipapakita lang naman ang poster ng naturang pelikula at ia-announce na sa July 31 ang showing nito, ginawan talaga ng isang event na dinagsa ng napakaraming fans nina Kathryn at Alden.

Dumalo ang dalawang bida kasama ang isa sa mga cast na si Kakai Bautista.

As of yesterday, mahigit isang milyong views na ang teaser at ngayon pa lang ay ang dami na raw nagpa-schedule ng block screening ini-sponsor ng mga fans ng dalawang bida.

Kaya hinuhulaan nang maganda ang kalalabasan nito sa takilya.

Nakatsikahan ng TV reporters ang dalawang bida, at napaatras bigla si Alden nang tinanong silang dalawa kung nakini-kinita ba nilang malagpasan nito o mapantayan man lang ang kinita ng The Hows of Us.

Kuwento ni Kathryn, nung ginagawa raw nila ang THOU pati ang Three Words to Forever, sinasabi raw sa kanya ni direk Cathy Garcia-Molina na alisin daw sa isipan nilang dapat malalgpasan o mapantayan ang kinita ng blockbuster movie nila ni Daniel Padilla.

“Hindi naman namin ini-expect yung sa The Hows of Us eh.

“Ang importante, material. May tiwala ako sa material na ‘to. So, super proud ako sa project na to.

“Yun, more than the ano…sana maging successful. Sana tanggapin ng tao, at sana maraming maka-relate,” bahagi ng pahayag ni Kathryn.

May trauma na sa kable tony mabesa at ilan pang aktor dismayado, galit, sa nangyari kay Eddie

Nag-enjoy ang mga entertainment editors na bumubuo ng grupong SPEED o Society of Philippine Entertainment Editors dahil marami namang nominado ang dumalo sa kanilang Nominees night na ginanap sa Anabel’s Restaurant nung kamakalawa nang gabi.

Bago nagsimula ang programa, nag-alay muna sila ng dasal para kay Eddie Garcia na comatose pa rin hanggang ngayon sa Makati Medical Center.

Hindi maiwasang pag-usapan ang beteranong aktor dahil nakakabahala na ang kanyang kalagayan. Pero patuloy pa rin sa pagdarasal na malagpasan ng beteranong aktor.

Pinakamaagang dumating si Tony Mabesa na nominado sa kategoryang Best Supporting Actor.

Siya na rin ang kumuha ng Certificate of Nomination ni Sir Eddie na nominado bilang Best Actor.

Kaya napapag-usapan pa rin doon ang co-actor niya sa Rainbow’s Sunset.

Hindi raw niya makalimutan ang ginawa nila sa shooting ng Rainbow’s… na madalas daw niyang niyayayang mag-throw lines si Manoy Eddie para hindi raw ito makakalimot sa dialogue niya.

Kaya devastated daw siya sa kalagayan ngayon ng co-actor.

“Devastated and angry in a sense, na bakit naman napatid ang Eddie Garcia?

“Alam naman nila, action scene…dapat yun kini-clear eh.

“Kaya nga when I came here…kung okay si Eddie, unang-una yan dito,” pahayag ni Sir Tony.

Ganundin ang sentiyemento ng ibang artistang dumalo sa Nominees Night dahil nakatrabaho nila ang beteranong aktor.

Dumalo rin ang ilan pang nominado sa kategor­yang iyun sina Tirso Cruz III, Ricky Davao at Tony Labrusca.

Si Dingdong Dantes na nominadong Best Actor ay nanghina­yang na hindi raw niya nakatrabaho si Manoy Eddie.

May mga project daw pagsasamahan nila dapat pero hindi naman daw natutuloy.

Nandun din si Paolo Contis na lumalaban din sa Best Actor na natatakot pag umaakyat si Sir Tony at direk Joel Lamangan dahil baka mapatid daw ito sa kable ng mic.

Si Direk Joel ang maraming sinabi tungkol kay Manoy Eddie.

Nanghihinayang lang daw talaga siya dahil ipinagdiriwang pa naman daw natin ngayon ang Centennial of Philippine Cinema, tapos nangyari pa ito sa isa sa itinuturing na icons ng Philippine Cinema.

“Ikinalulungkot ko talaga, kung sino pa ang pinaka-professional…Diyos ko, day! Naaksidente pa nang paganoon?

“Napakataas ng respeto ko sa kanya. Tapos, maaano siya dahil lang suma­bit siya sa kable?

“Sa ika-100 taon natin, merong icon na naging ganyan dahil nasabit sa kable? Di ba, hindi maganda?

“Nakakawindang talaga,” pahayag ni direk Joel na ramdam mo ang sama nang loob.

Sa July 14 pa ang Eddy’s Awards ng grupong SPEED na gaganapin sa New Frontier Theater.

Ipinagdarasal ng lahat na malagpasan ito ni Manoy Eddie, at sana makadalo na siya sa awards night. Sana talaga!

ALDEN RICHARDS KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with