Gina walang bitterness

Gina

SEEN: Walang bitterness na nararamdaman si Gina Pareño dahil inisnab ng mga award-giving body ang mahusay na pagganap niya sa Hintayan Ng Langit, ang pelikula nila ni Eddie Garcia na napapanood na sa Netflix. Nagpapasalamat si Gina sa lahat ng mga nagsasabi na maganda ang pelikula nila ni Eddie.

SCENE: Tumagal ng sampung araw ang shooting ng Hintayan Ng Langit sa isang lumang bahay sa Quiapo, Manila. Mainit lang sa location ang kuwento ni Gina pero nag-enjoy siya sa shooting dahil muli niyang nakatrabaho si Eddie at magaling ang kanilang direktor na si Dan Villegas.

SEEN: May special participation si Michael V. sa Kalma Mother episode ng Dear Uge na mapapanood ngayong hapon pagkatapos ng Sunday PinaSaya.

“Bilib na bilib ako kay Bitoy bilang isang komedyante, bilang writer, and an over-all creative person. Nagtaka rin ako kung bakit never pa kaming nakakapagtrabaho together kaya itong paglabas niya sa Dear Uge, isang special day talaga para sa aming lahat,” ang pahayag ni Eugene Domingo sa unang beses na guesting ni Michael V. Sa programa niya.

SCENE: Ang pasasalamat ni Pasig City Mayor-elect Vico Sotto sa outgoing mayor na si Bobby Eusebio at sa mga department head na nakiisa sa unang meeting ng transition teams ng outgoing at incoming administration.

Show comments