Patay o buhay, Sylvia tuloy ang paghahanap sa tatay

Sylvia Sanchez

Tuloy ang paghahanap ng actress na si Sylvia Sanchez sa kanyang ama, buhay o patay.

Balita nga kasing nasa Brazil ito kaya may mga tao nang tumutulong sa kanya para makita ang kanyang tunay na ama.

Nag-usap na sila ni former OWWA administrator Arnell Ignacio para tulungan siyang makita ang ama sa lalong madaling panahon na gusto ring makilala ng kanilang mga anak ni Art Atayde.

Aminado nga kasi siyang sa kabila ng lahat, kulang ang kaligayahan ng buhay niya dahil sa amang hindi pa nakikita.

Naging guest ng nangu­ngunang digital talkshow na Take It...Per Minute! hosted by Manay Lolit Solis and Manay Cristy Fermin si Ms. Sylvia last Tuesday.

Show comments