Aktres na masyuba na, malaki ang naipundar dahil sa ‘Katawan’
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2019 - 12:00am

Kung kabutihan sa kanyang pamilya ang pag-uusapan ay puwedeng ipagpatayo ng monumento ang isang kilalang female personality. Lite­ral niyang ginawa ang lahat-lahat para lang matulungan ang kanyang mga mahal sa buhay.

At hindi lang ‘yun, ginamit ng female personality ang kanyang katawan at kagandahan para walang magutom, para walang maghirap at malagay sa alanganin.

Kuwento ng aming source, “Naive lang siyang tingnan, parang wala siyang ginagawang milagro, pero maraming nakakaalam na pagdating sa kanyang pamilya, e, kaya niyang isangla ang katawan niya sa demonyo!

“Napakaaga niyang naging padre de pamilya, siya ang sumasagot sa lahat-lahat ng mga pangangailangan ng family nila, puwede siyang magpabaril sa Luneta sa kamartiran niya!

“Napakabait talaga ng babaeng ‘yun, dapat lang naman siyang pasalamatan at bigyang-pugay ng mga kapamilya niya,” unang kuwento ng ­aming impormante.

Nakarelasyon ng female personality na ito ang isang super-yamang lalaking personalidad. Talagang spoiled siya sa male personality, lahat ng gusto niya ay ibinigay nito, kaya lang ay hindi nagtagal ang kanilang relasyon.

Kuwento uli ng aming source, “Sorry, pero naamuyan agad ng wife ng male personality ang relasyon nila! Nabuking sila nang maaga, pero nanagana na rin ang girl bago pa sila nagkahiwalay.

“Bongga ang kanilang relasyon, sa ibang bansa sila nagkikita, can afford naman kasi ang guy na gawin ang ganu’n dahil sobra-sobra ang datung niya!

“Pati ang matchmaker ng girl, nanagana rin, spoiled din ang Boogie Wonderland sa madatung na lalaki! Isinasama rin siya sa ibang bansa ng magkarelasyon para disimulado ang kanilang romansa espesyal!

“Kaya nga lang, nagkaproblema sa pagitan ng girl at ng matchmaker, nag-away sila, malapit pa nga silang magdemandahan. Suwerte ng girl dahil hindi pumiyok ang matchmaker kung saan nanggaling ang ipinagmamalaki niyang kadatungan!

“Pati ang kuno-kuno, e, dream house niya, hindi rin ikinuda ng matchmaker! Hindi na siya gumagawa ng milagro ngayon, hindi na bagay sa kanya, ang syuba-syuba na niya!

“Hindi na bagay sa kanya ang rumampa, nanay na nanay na ang itsura niya. Tama na lang na nakapag-ipon naman siya nu’ng gamitin niya ang utak niya, napasaya na niya ang pamilya niya, nagkabahay pa siya!

“Hindi siya namuhunan sa paghuhukay ng ginto, pero siya mismo ang nakahukay ng mina ng ginto, di ba naman? Magaling!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Eddie walang nakakaalam kung kailan magigising

Nababahala ang mga nagmamahal kay Tito Eddie Garcia dahil sa kanyang kalagayan ngayon. Comatose pa rin ang magaling na aktor-direktor, kailangan pa rin siyang kambalan ng life support system, walang nakatitiyak kung kailan siya magigising at kung manunumbalik ba ang dati niyang sigla pagkatapos ng pinagdadaanan niya ngayon.

Napatunayan ng kanyang mga doktor na nang bumagsak siya sa taping ng bagong serye niya sa GMA-7 ay dalawampung minuto siyang nawalan ng oxygen, may komunikasyon ang mga doktor kahit sa iba-ibang ospital pa sila nakatalaga, na-revive lang si Manoy Eddie nang isugod siya sa Mary Johnston’s Hospital.

Ginagawa ng kanyang mga doktor ang lahat-lahat, pero napakalaking tulong ng sama-samang panalangin sa ganitong pagkakataon, dasal pa rin ang hinihingi ng kanyang pamilya para siya magi­sing.

Ginagawa ng GMA-7 ang lahat sa kanilang kapasidad para makatulong sa pamilya, walang katotohanan ang kuwentong lumabas na pinababayaan ng network ang beteranong aktor-direktor, nakikipagtulungan sila sa pamilya ni Tito Eddie.

Hindi lang ipinagmamakaingay ng mga tagapamuno ng GMA-7 ang kanilang mga ginagawa, pero kumikilos sila, kasabay ng pag-iimbestiga nila sa naganap sa taping ay hindi sila nagpapabaya sa responsibilidad na kailangan nilang panagutan sa naganap kay Eddie Garcia.

EDDIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with