Hunk actor hawak pa rin ang listahan ng mga aktor na gusto niyang tikman!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 5, 2019 - 12:00am

Hanggang ngayon ay palagi pa ring bumibida sa mga kuwentuhan ang isang hunk personality na palaging pinagdududahan ang kasarian.

Basta tumutok sa kaduda-dudang gender ang kuwentuhan ay siguradong pasok na pasok ang pangalan ng hunk actor na nasangkot sa isang kontrobersiya kamakailan lang.

May mga nagpapatotoo kasi sa kanyang mga ginagawa, nagsasalita ang mga kalalakihang nu’n lang niya nakilala pero niyayaya na niyang magpalipas nang magdamag sa kanyang condo unit, kumakalat ‘yun na parang apoy sa lokal na aliwan.

Kuwento ng isang source, “Hindi naman mag-iimbento lang ng kuwento ang mga guys na ‘yun, dahil ano naman ang mapapala nila, e, wala naman silang planong mag-artista?

“Pero talagang itinuturo siya, e! Siya mismo ang nang-iimbita sa mga guys na matulog sa unit niya, ano naman ang gagawin nila du’n ng isinasama niya, maglalaro ba sila ng scrabble?

“Hanggang hindi niya tinatantanan ang mga pinaggagagawa niyang ganu’n, e, hindi matitigil ang mga kuwento tungkol sa kaduda-duda niyang gender! Kumakalat ‘yun, nagpapalipat-lipat ng bibig, kaya palagi siyang nalalagay sa gitna ng mga kuwentong kabadi­ngan!” madiing kuwento ng aming impormante.

Gaano katotoo na may iniingatan kunong listahan ang hunk actor na ito tungkol sa mga kalalakihang artistang type niyang makasalo sa kaligayahan kahit panandalian lang?

Patuloy ng aming source, “’Yun ang kuwento! Kalat na kalat na ang istor­yang ‘yun! Meron daw palang listahan ang hunk actor na ‘yun ng mga pangalan ng mga katrabaho niya na type na type niya!

“Nandu’n ang pangalan ng isang male personality na matagal nang pinagdududahan ang gender. Nandu’n din ang name ng isang hunk actor na boyfriend ng isang magandang female perso­nality, pati ang isang male singer na napapabalitang questionable din ang gender, nandu’n kuno sa listahan niya!

“Aysus, berdaderong churva pala talaga ang hunk actor na ‘yun! Sayang! Napakaguwapo pa naman niya, napakaganda ng katawan niya, nagmumura ang mga abs niya!

“Pero napakarami ring beki na talagang type na type ang hunk actor na ‘yun, kesehodang lalaki rin daw ang gusto niya, e, ayos lang, welcome to the club pa rin sila!

“May isang word na kapag binanggit ko, e, siguradong buking n’yo na kung sino siya, pero huwag na, siya na nga ‘yun!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source habang nakatingala sa langit.

Ubos!

Parangal kay Mang Ramon karapat-dapat

Natatanging Bituin Ng Siglo. Karapat-dapat lang handugan ng ganu’ng parangal si dating Senador Ramon Revilla, Sr. Dahil sa napakaraming patunay na isa na siyang haligi ng industriya ng pelikula.

Natatandaan pa namin ang mga kuwento na nu’ng ipinalabas ang isa niyang pelikula ay bahang-baha sa Avenida Rizal, pero lumusong ang mga kababayan natin, sumugod sa mga sinehan para lang mapanood nila ang pelikula ng matandang Revilla.

Naging emosyonal ang mga dumalo sa pagbibigay-parangal ng PMPC Star Awards dahil sa pagdalo ni Tito Ramon kasama ang kanyang mga anak. Ang pagbibigay-pahalaga ng beteranong aktor sa gabi ng parangal ay hindi malilimutan ng mga opisyal at miyembro ng PMPC.

Ang nanalong senador na si Bong Revilla ang nagtutulak ng wheelchair ng kanyang ama, nandu’n din ang iba pang mga anak ng magaling na beteranong aktor, kaninong puso nga naman ang hindi maaantig sa ganu’ng kaganapan?

Para makita nating lugmok ang emosyon ng magkakapatid na Revilla ay walang ibang dahilan ‘yun kundi ang pagkakasakit ng kanilang ama. Iisang kilos ang magkakapatid kapag isinusugod sa ospital si Tito Ramon, sabay-sabay silang nagda­rasal, nag-uusap ang kanilang mga mata.

Nu’ng minsan ay sinabi sa amin ni Princess Revilla, “Maisip ko lang na mawawala ang daddy ko, e, parang ako pa ang mauuna sa kanya.”

Si Senador Bong Revilla ay ganu’n din kapag ang kanyang ama na ang sentro ng usapan, makikita mo na lang na nangingilid ang kanyang luha, ang bruskong action star ay nagmimistulang tupang bahag ang buntot sa lungkot.

Ganu’n katindi ang pagmamahal at pagpapahalaga ng magkakapatid sa kanilang ama. Alam nilang isang araw ay magkakahiwa-hiwalay rin sila pero ang kanilang dasal ay huwag pa muna, huwag muna ngayon.

 

RAMON REVILLA SR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with