^

PSN Showbiz

Jameson walang keber ang gagawing pagdi-daring kay Iza

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jameson walang keber ang gagawing pagdi-daring kay Iza
Iza

Todo hataw ngayon sa paggawa ng pelikula si Iza Calzado dahil binabalak na niyang magpahinga sa December para mabuntis na siya.

Iyun naman daw talaga ang napagkasunduan nila ng hubby niyang si Ben Wintle.

‘Di ba ibinalita pa noon ni Iza na nagpa-freeze pa siya ng eggs niya dahil aminado naman siyang di na siya ganung ka-bagets kaya baka mahirapan din siya sa pagbubuntis niya? Pero mas gusto naman niyang normal ang pagbubuntis sa magiging unang baby nila ni Ben.

Kaya kakaririn na raw niya ngayong taon.

Pero tatapusin muna niya ang pelikulang gagawin niya para sa Cinemalaya at ang latest itong para sa iWant na May-December love affair ang kuwento ka-partner si Jameson Blake.

Nasilip nga namin ang kanilang pictorial at look test, bumagay naman silang dalawa.

400 Miles daw ang title ng digital movie na ito na kung saan tumatakbo ang kuwento sa kanilang pagmamahalan mula Maynila hanggang Tuguegarao. Kaya aabot din ng Tuguegarao ang shooting.

Sabi nga ni Jameson, wala naman daw siyang keber magpaka-daring o maghubad dahil nagawa naman daw niya noon sa unang pelikula niya.

Kaya nga raw niyang talbugan ang pagiging daring ni Tony Labrusca sa Glorious.

Mala-Glorious din kaya ang mga love scenes nila ni Iza?

Ice at Liza todo kayod para sa pag-iipon sa baby!

Sa December din balak mabuntis ni Liza Diño na kung saan pinaghahandaan na nila ang prose­so nang pagbubuntis na surrogacy.

Successful naman daw ang pagpapa-freeze nila ng eggs ni Ice Seguerra, at may napili na rin silang sperm donor. Kapag success ang fertilization nito, i-inject na ito kay Liza na siyang tatayong surrogate mother.

Ang pagkaalala ko, nabanggit noon ni Liza na sa Indonesia raw nila ito gagawin.

“Tuloy na tuloy na talaga yung plan namin for a baby sa December. Kaya kailangan n’yo kaming tulungan dito.

“Yung asawa ko kumaka­yod, nagtu-tour siya in different countries. Kaka-Canada lang niya para pag-ipunan tong baby namin,” napapa­ngiting pahayag ni Liza.

Kaya ang wish niya sana maging successful ang mga sisimulan niyang projects lalo na ang para sa Pista ng Pelikulang Pilipino at ang selebrasyon ng Centennial of Philippine Cinema.

Bahagi ng selebrasyon ay marami silang bibigyan ng parangal na naging bahagi ng Philippine movie industry sa harap at likod ng kamera.

Pero ang isa raw sana sa gusto nilang ma-achieve ay ang mga gagawin nilang policies para sa mga pelikula natin.

Nakakabahala na kasi ang mahihinang resulta sa takilya ng mga pelikula natin.

Ani Liza; “Isa sa pinaka-priority talaga namin ngayon is to really create policies to protect, to give leverage…na kailangan iangat natin ang mga pelikula natin na meron tayong campaign para tangkilikin ang mga pelikulang Pilipino.

“Naintindihan naman natin na…na sigu­ro hindi naman din kasi perfect ang mga pelikula natin na ipinapalabas. Siguro at some point na feeling nila pare-pareho lang ang ipinapalabas. We have to give our local films a chance because our local filmmakers are doing their best para mabigay sa atin ang pelikulang naniniwala sila na dapat na tangkilikin natin at mai-enjoy ng au­dience natin. So, tayo ang unang-unang tatangkilik sa sarili nating pelikula, Tayo ang sasalba sa industriya, So, dapat magtulung-tulong talaga tayo.”

Inaasahang may maitutulong ang mga bagong halal nating pulitiko dahil hindi naman talaga prioritize ang ating movie industry.

Mga gawang gown ni Paolo, nagiging paborito ng mga beauty queen

Isa pala sa nakahiligang ginagawa ngayon ni Paolo Ballesteros ay ang mag-design ng gown. Karamihan sa ginawa niya ay sinusuot ng beauty queens.

Ang latest ngang ginawa niya ay ang National Costume na sinuot ng kandidata ng Rizal na si Honey Grace Cartisano.

Marami nga ang nanghinayang na hindi ito nakapasok sa top ten ng National Costume ng Binibining Pilipinas 2019.

Kuwestiyonable nga ang ibang napili na wala namang bago sa ginawang design.

Naka-text namin si Paolo kahapon at sabi nga niya kaya niya naisip ang konsepto ng suman dahil kilala ang Antipolo sa masasarap na kakanin, kaya bagay na bagay daw kay Honey Grace ang ‘suman-inspired’ na nation at taga-Antipolo naman daw siya kaya tinulungan niya ang Binibining Rizal na si Honey Grace Cartisano.

Text niya sa amin kahapon; “Mahilig talaga ako sa mga pageants hehehe.

“Tumutulong ako pag may candidate na kailangan like sa styling, make-up, pati sa lakad, and si Honey Grace taga-Antipolo lang din, so ayun.”

Kaya nag-post si Honey Grace sa kanyang Instagram account nang pasasalamat kay Paolo na ginawan siya ng national costume.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with