Kisses tanggap na ang mga taong nasa paligid niya na nanira!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2019 - 12:00am

Hindi pa man nagtatagal sa showbusiness ay aminado naman si Kisses Delavin na sumagi sa kanyang isipan na talikuran na ang pag-aartista. Nagbago lamang ang pasya ng dalaga dahil naramdaman niyang marami pa rin ang nagmamahal sa kanya. “I’m here to stay for the people who want me to stay. As long as there’s only one person who believes in you, kapitan mo ‘yon. Kasi as long as may isang tao na gusto kang manatili, ibig sabihin ni God ang nagsasabi sa ‘yo na mag-keep ka, laban ka, push for your dreams,” paglalahad ni Kisses.

Nakaranas umano nang pamba-bash sa social media ang aktres mula sa mga dating kaibigan at mga tagahanga kaya naisipang tumigil na sa pagiging isang artista.

Natanggap na ni Kisses sa kanyang sarili na talagang nagbabago minsan ang mga taong nakapaligid sa mundong kanyang ginagalawan.

“I just realized na ‘yung mga tao talaga minsan nagbabago. Hindi na natin makokontrol ‘yon. All we have to do is ‘yung kung sino tayo, ito ako. As long as wala akong ginagawang masama sa ibang tao,” giit niya.

Nasobrahan ng gamit ang lalamunan, Jessa dalawang linggong hindi nakapagsalita!

Aktibo nang muli sa pagkanta si Jessa Zaragoza ngayon. Makakasama ng Phenomenal Diva si Richard Poon sa Just Right: The Diva and the Crooner Live in Concert na gaganapin sa June 8 sa Newport Perfor­ming Arts Theater ng Resorts World Manila.

Inakala raw ni Jessa na hindi na siya makababalik sa pagkanta pagkatapos maoperahan ang lalamunan noong isang taon. “Last year naoperahan din ako sa vocal cords. Nagkaroon ako ng polyp, akala ko nga hindi na ako makakakanta eh,” bungad ni Jessa.

Unang naramdaman ng singer ang problema sa kanyang lalamunan nang minsang kumanta sa It’s Showtime noon. Sobrang gamit na gamit daw ang lalamunan ni Jessa na siyang naging sanhi sa pagkakaroon nito ng sugat. “Kahit nga ‘yung pagsasalita ko kailangan ‘wag masyadong mababa. Para ‘yung vocal cords mo, hindi siya …(naggagasgas),” dagdag niya.

Dalawang linggong hindi nakapagsalita si Jessa pagkatapos ng nasabing operasyon sa lalamunan. Nakahanda na rin umano ang singer noon kung sakaling maaapektuhan ang kanyang pagkanta. “Tinanggap ko na rin ‘yung faith ko, na kung sakaling mag-iba ang boses ko eh, wala na tayong magagawa. Nag-pray talaga ako, ‘Lord kung tingin mo hanggang dito mo na lang ipapagamit ‘yung gift mo sa akin, tatanggapin ko.’ I mean sobra-sobra nang binigay Niya sa akin. Doon mo mare-realize na talagang lahat ng meron ka, hindi iyo ‘yan, pinahiram lang,” nakangiting kwento ni Jessa. (Reports from JCC)

KISSES DELAVIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with