Maine Mendoza
Maine walang interes sa Darna, bilyones na net worth itinanggi ng manager
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

Outright na itinanggi ng ma­nager ni Maine Mendoza ng Triple A Management na si Ateng Rams David na bilyonarya na ang kanyang alaga matapos itong ikalat ng ibang fans.

Si Maine nga raw ang Richest Filipino Young Stars with 1.2 billion net worth sa age na 23.

No. 2 diumano si Daniel Padilla with P1 billion; no. 3. Kathryn Bernardo with P615 million; no. 4. Liza Soberano with P582 million; no. 5. P482 million Alden Richards and no. 6. P312 million Enrique Gil.

“Hindi walang ganyan. Saan naman nila nakuha ‘yan?,” gulat na gulat na tanong ni Ateng Rams nang maka-lunch namin kahapon ng tanghali na birthday blowout na rin niya for Nay Lolit Solis at kaibigan pang writer na si Rommel Gonzales.

Hindi nga naman naglalabas ang BIR ng ganung listahan.

Itinanggi rin ni Ateng Rams na nagbaba ng talent fee si Maine. “It’s not true na nagbaba siya ng talent fee. Puwede ba ‘yun.”

At kung may nababawas na endorsement, may nadadag naman daw. Like yung sa Magnolia na napunta na kay Kathryn Bernardo. Ayon kay Ateng, maayos silang nag-usap. “Saka choice naman ng kumpanya kung sino ang kukunin nilang endorser.”

May konek kaya ‘yun sa pelikulang ginawa nila Alden Richards? “Hindi ko alam. Ayokong magsalita.”

No reaction naman daw si Maine sa clamor na mag-audition siya sa Darna. Sabi raw ni Maine, marami nang artista ang ABS-CBN na mas deserving na mag-Darna. Saka feeling daw ni Maine, maba-bash lang siya so ‘wag na lang.

Lumulutang nga ang pangalan ni Maine na bagay sa Darna na baka lumamig na ang interes ng marami dahil ang tagal nang pinag-uusapan pero wala pa ring bet na gumanap after Liza Soberano.

Samantala, dalawang pelikula ang kanyang gagawin before the year ends.

Ang isa ayon kay Ateng ay for Metro Manila Film Festival (MMFF) at ang isa ay mas mauuna rito.

So wait wait na lang tayo at ‘wag nang mang-bash ang fans at umasang magiging sila pa ni Alden Richards.

Maging masaya na lang sila sa mga nangyayari sa career ng mga idol nila.

LIZA SOBERANO MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with