Jerome bobo ang tingin dati sa sarili!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

Ayon kay Jerome Ponce, na bida sa pelikulang Finding You ng Regal Entertainment, nai-intimidate siya noon kapag kaeksena si Jane Oineza sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita TV series.

Unang nagkasama ang dalawa sa nasabing teleserye ng ABS-CBN na ipinalabas noong 2015.

Sobrang na-excite raw si Jerome nang malaman na makakatrabaho niya si Jane dito sa Finding You. Inaamin niya na ‘yung dating trabaho niya noon ay hindi ‘yun ang standard niya ngayon. Kumbaga, wala raw siyang binatbat sa acting noon kumpara kay Jane.

“Masasabi ko na bobo (ako). Nilalamon ako ni Jane sa acting. Nilalamon niya ako bilang artista. Aminado ako roon. Hindi man iyon nakita ng mga tao pero sa akin alam ko ‘yun. Dati wala akong alam sa acting at nilalalamon ako ni Jane sa mga eksena namin,” pahayag ni Jerome.

Pero sa pagkakataong ito na magkasama sila muli ni Jane sa Finding You, feeling ni Jerome ay nag-level up na ang kanyang acting. Nakaya na niyang sumabay sa kanyang kapareha.

Ang Finding You na first solo lead project ni Jerome kung saan ginagampanan niya ang role ni Nel, isang binata na afflicted with hyperthymesia, which is the opposite of amnesia.

Mas mature rin ang role ni Jerome kaya may mga eksenang naka-topless siya (na first time niyang ginawa sa movie) at may bed scene pa siya.

Kasama rin nina Jane at Jerome sa Finding You na directorial debut ni Direk Easy Ferrer sa pelikula sina Barbie Imperial at Jon Lucas. Ipapalabas ang pelikula sa May 29.

JEROME PONCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with