James at Daniel mapapanood na!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

SEEN: Palaban ang singer at appointed PAGCOR official na si Jimmy Bondoc dahil sinasagot niya ang lahat ng reaksyon ng mga nagmamalasakit at nagtatanggol sa ABS-CBN na nasaktan sa kanyang pahayag na malapit nang mawala ang Kapamilya Network. Walang utang na loob ang mga batikos kay Jimmy dahil sa kabila ng mga oportunidad na natanggap nito noon mula sa ABS-CBN, nagawa pa niya na magbitaw ng maaanghang na salita laban sa Kapamilya Network.

SCENE: Ngayong gabi, May 24,ang launch ng Sundo, ang unang single ni Matteo Guidicelli sa Viva Records. Ang The Music Hall sa Metrowalk, Pasig City ang venue ng single launch ni Matteo at isa ito sa kanyang mga huling public appearance bago magsimula sa May 27 ang military training niya.

SEEN: Mapapanood ngayon sa major television networks ang collaboration nina James Reid at Daniel Padilla, ang commercial nila para sa isang product endorsement na ginawa nila noong April 2019.

JIMMY BONDOC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with