Female personality na walang paninindigan at inggitera natalo sa sobrang kaartehan
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

Nu’ng nag-file ng COC ang isang female persona­lity para sa pakikilahok niya sa mundo ng pulitika ay napakaraming nagtaas ng kilay. Marami ka­sing naaalala ang mga kababayan natin tungkol sa kanya.

Kuwento ng isang source, “O, di kinain din niya ang mga salita niya? Nu’ng kalabanin niya ang isang politician na parang kapamilya niya na rin, e, nagsalita siya nang tapos!

“Walang-wala raw sa utak niya ang pagpasok sa pulitika, hindi raw ‘yun ang kanyang linya, malayo raw mangyari ‘yun! Pero ano ang nangyari?

“Ayun, pumalaot din siya sa pagkandidato, ang dami-dami niyang binitiwang pangako sa entablado de kampanya, ‘yun ba ang magsasalita nang tapos?” nakataas pa rin ang kilay na pahayag ng aming impormante.

Pero natalo ang female personality, hindi niya nakuha sa pagpapa-cute ang mga botante sa distritong tinakbuhan niya, luhaan ang female personality.

Patuloy ng aming source, “Nakakaloka siya, ha? Nangangampanya siya, pero retouch naman siya nang retouch ng make-up niya! Palagi siyang nagpapahid ng lipstick!

“Maiiwanan niya ang wallet niya, pero hindi ang maliit niyang make-up kit na bitbit niya kahit saan siya mangampanya!

‘Maraming naaartehan sa kanya, ‘yun nga siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit siya natalo, parang wala namang sincerity ang pagtakbo niya!” napapailing na kuwento ng aming source.

Binulabog niya nu’n ang kandidatura ng babaeng pulitikong mahal ng kanyang mga kaanak. Kung anu-anong patutsada ang ginawa niya, napakalaki ng inggit niya sa pulitikong ‘yun, sa totoo lang.

Sabi uli ng aming impormante, “’Yun nga ang reason kung bakit siya kumandidato. Nainggit siya kay ____(pangalan ng babaeng pulitiko).

“’Yun ang totoo, matindi ang inggit niya kay ate, hindi niya ‘yun maitatago, kabog na kabog nga naman kasi siya! Pero sorry na lang, hindi niya masusundan ang yapak nu’ng tao dahil sa ibaba pa lang, e, lagapak na siya!

“Magsasalita siya nang tapos, pero hindi naman pala niya kayang panindigan? Anyare tuloy sa kanya? Nasa kangkungan ang numero niya, olats siya, walang nangyari sa pangarap niya!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alex bugbog sa kaliwa’t kanang upak

Negang-nega ngayon si Alex Gonzaga. Kaliwa’t kanan ang tinatanggap niyang upak sa social media, hinding-hindi na nga siguro niya makakalimutan pa ang salitang mandurugas, dahil du’n siya nalagay sa alanganin.

Nakarating na siyempre sa kampo ni Mayor Edwin Olivarez ang kanyang naging patutsada sa entablado ng kalaban nito sa pagka-mayor, maaaring cool lang ang mayor ng Parañaque, pero hindi ang mga nagmamahal na tagasuporta ng pulitiko.

Buo sa kanilang kalooban na dapat lang ipahayag na persona non grata si Alex Gonzaga dahil sa paggamit ng salitang mandurugas. Dapat lang daw turuan ng leksiyon ang aktres na kung makapagsalita ay napakatalas ng dila.

May nakausap kaming source mula sa Parañaque, nalaman namin ang impormasyon na humahanap na ng padrino si Alex, dahil anumang araw mula ngayon ay plano niyang makipagharap kay Mayor Edwin para personal na humingi ng paumanhin.

Kung ganu’n ang gagawin ni Alex Gonzaga ay mapalalambot niya ang kalooban ng mga kababayan nating galit na galit sa kanya ngayon. Magandang ehemplo ang gagawin niya kung pepersonalin nga niya ang mayor ng Parañaque para sa kanyang pagso-sorry.

Talagang ganu’n. Hindi lang naman laway ang nilulunok, ang pride din, kapag kailangan. Nakapanakit siya ng kalooban, kailangan niyang humingi ng paumanhin, ‘yun lang talaga ang aksiyon na eksaktong katapat ng binitiwan niyang salitang mandurugas.

Kailangan rendahan na ni Alex Gonzaga ang kanyang dila, lagyan na niya ng garter, para kapag may gusto siyang sabihin na hindi tama ay mahihila niya ang kanyang dila papasok sa kanyang bibig.

ALEX GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with