Sharon at Gerald
Pelikula nina Gerald, Julia at Sharon, naka-2 million lang sa first day
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

Tantiya ng aming source baka mahigit 2M ang kinita ng dalawang pelikulang nagbukas kahapon.

Ito ang Kuwaresma ni Sharon Cuneta at ang Between Maybes nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Inaasahang pi-pick up pa ito dahil maganda ang feedback sa dalawang pelikula.

Binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board ang Kuwaresma at Grade A naman ang Between Maybes.

Dagdag pang kuwento ng aming source, sana maganda ang kalalabasan nito sa takilya at di mabago ang trending para ma-meet ang tinarget na kikitain na 100M daw sa Between Maybes at 150M naman sa Kuwaresma.

Sana lumakas ito sa darating na weekend.

News coverage ng ABS at GMA parang may bilangan din

Nagsisimula nang magbilang ang COMELEC ng official results ng nakaraang eleksyon, at patapos na nga ang partial at unofficial counting na patuloy nating minu-monitor sa radyo at TV.

Kaya mapupuri mo talaga ang mga masigasig na reporter at di pagbitaw ng news channel para ibalita ang mga kaganapan sa iba’t ibang lugar.

Komento ng karamihan, mas comprehensive raw ang reporting ng GMA 7 pero sabi naman ng ABS-CBN mas marami ang nanood ng kanilang election coverage nung nakaraang Lunes, May 13.

Ayon sa Kantar Media; naka-5.7 percent ang Halalan 2019 Ipanalo: Boses ng Pilipino coverage nila sa umaga at 5.4% lamang ang sa Eleksyon 2019 ng GMA 7.

Pagdating ng hapon, naka-12.7 percent ang sa ABS-CBN at 9.8 percent ang sa GMA 7.

May ilang programang na-preempt dahil kainitan na noon ng pagtutok sa mga bumoto hanggang sa pagsisimula ng bilangan.

Pagdating sa news, mataas pa rin daw ang sa TV Patrol ayon sa Kantar Media. Naka-29.2 percent ang TV Patrol at 19.9 percent ang 24 Oras.

Tuluy-tuloy ang coverage nila hanggang madaling araw, at mas lamang pa rin ang coverage sa Kapamilya network.

Pero hindi rin naman nagpahuli ang coverage ng TV 5 na kumpleto rin sila paglatag ng mga balita. Pati ang CNN Philippines at Cignal TV.

Wala pa akong nakuhang ra­tings mula sa AGB pero tiyak na mas lamang naman doon ang sa GMA 7 lalo na’t ilang araw ding nag-trending ang deretsong komento ni Mike Enriquez na patama  sa mga bagong halal na senador.

Magandang young actress, lumayas sa show nang hindi binigyan  ng glam team

Bago pa lang itong magandang young actress sa isang mala­king TV network, ang dami ko nang naririnig na mga kuwentong kamalditahan nito.

Kamakailan lang ay pinag-usapan na naman siya dahil nagdi-demand na naman ito ng sariling glam team para sa isang weekly show na kinabibilangan niya.

Napansin kasi ni magandang young actress na may dalang glam team ang isang young actress din na isa sa mga bida ng katatapos lang na soap kasama ang isang magaling na aktres.

Sabi raw ni young actress sa mga staff, bakit daw may sari­ling glam team itong kinaiingitan niyang young actress, kaya dapat meron din daw siya.

Sagot sa kanya ng executive producer, wala silang budget para sa glam team. Itong sa isang young actress na may dalang glam team ay siya mismo ang nagbabayad, kaya okay lang sa production yun.

Pero pinagpilitan nitong si magandang young actress na bigyan siya. Kung hindi raw mag-provide ang production ng sarili niyang glam team, magbababu na lang daw siya.

Natuloy nga ang pag-alis niya sa show na iyun dahil hindi naman siya pinigilan ng production staff ng weekly show.

Mabuti na raw na habang maaga pa lang ay hindi na nila kukunsintihin ang drama nitong si magandang young actress.

Kamukha pa naman niya ang isang young actress ng katapat na network na mas sikat sa kanya ng di hamak.

GERALD ANDERSON SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with