Vico at Roman
Vic at Coney nakahinga ng maluwag, Shalani tinutukan si Roman
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2019 - 12:00am

May bago nang mayor at vice mayor ang Quezon City sa katauhan nina Joy Belmonte at Gian Sotto na opisyal na ipinroklama kahapon nang umaga ng COMELEC.

Win din si Alfred Vargas para sa last term niya bilang house representative ng District V ng Quezon City. Nauna ang proklamasyon kay Alfred bago ang proclamation kay Joy at Gian pero nagkita-kita sila sa venue.

Naproklama na rin na konsehal ng 5th District ang kapatid ni Alfred na si PM Vargas. Siyempre, win din si Mikey Belmonte na proclaimed na rin bilang konsehal ng second district ng Quezon City. Congrats kina Joy, Gian, Alfred, PM at Mikey dahil deserving sila na manalo sa midterm elections na nangyari noong Lunes.

Tuwang-tuwa naman ako na nanalo ang team nina Roman Romulo at Vico Sotto. New blood for Pasig, at kahit paano nawala ang pagod nina Vic Sotto at Coney Reyes na talagang nakabantay kay Vico at pressured sa mga nagaganap.

Sinabi ni Bossing na mula nang mag-declare si Vico na tatakbo ito na mayor ng Pasig City, ninerbyos na siya dahil matindi ang kalaban na babanggain ng anak nila ni Coney.

I’m sure, napalitan na ng kaligayahan ang nerbiyos na nararamdaman ni Bossing dahil panalung-panalo si Vico na love na love ng mga resident ng Pasig na matagal nang humihiling ng pagbabago.

Bongga rin si Shalani Soledad na walang tulog at nakabantay kay Papa Roman, like a sweet dutiful wife. Si Papa Roman ang newly-elected house representative ng lone district ng Pasig City.

Masaya rin ako dahil nanalo si Enrico Roque na alkalde ng Pandi, Bulacan.

Si Mayor Enrique Roque ang dahilan kaya nakilala nang husto ang bayan ng Pandi.

Whatever the outcome will be for Bong Revilla, happy ako dahil ganoon karami pa rin ang boto na nakuha niya, to think na lahat na yata ng trolls, naka-center  ang atensyon sa kanya, pati ang mga basher na binayaran yata para huwag siyang tigilan at patuloy na siraan.

Ibinoto ko rin na senador sina Jiggy Manicad at Dr. Willie Ong na parehong first timer sa politics pero naging maganda ang performance, kahit hindi sila pinalad na manalo.

Hay naku kaloka talaga ang mga ginagawa ko, bantay-eleksyon, bantay-basketball games para malaman ko kung sino ang nag-champion, kapagod din ha?

Erap tanggap agad ang pagkatalo kay Isko

Gusto ko ang sinabi ni former Manila City Mayor Erap Estrada nang malaman niya na angat si Isko Moreno Domagoso sa kanya sa bilangan ng boto.

Sinabi ni Papa Erap na siguro, sign na ‘yon para mag-retire siya at magpahinga. Wala ang usual na sinasabi ng mga kandidato na nadaya o nagkamali ang bilang.

Like a true gentleman, maayos na tinanggap ni Papa Erap ang gusto ng mga tao, tinanggap niya ng bukal sa puso ang nais na pagbabago at wala ang sama ng loob sa kanyang dibdib.

Sana nga ay makita ng lahat ang gusto nila para sa Manila, sana nga ay maipagmalaki nang husto ang safety at cleanliness ng siyudad sa pamamagitan ng bagong halal na mayor na si Isko.

Sana nga ay maging shining jewel uli ang Manila. Once again, please bring back the old Manila, the glorious city by the bay.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with