Lorna Tolentino
LT, thankful kay Coco
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2019 - 12:00am

Masayang-masaya si Lorna Tolentino dahil sa pagkakasama ng aktres sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Napapanood ang karakter ng beteranang aktres bilang si Lily gabi-gabi sa nasabing serye. “I’m so happy na naisip ni Coco na isali ako sa Ang Probinsyano, na hindi mo mawaring karakter. Hindi mo maintindihan kung kanino ba siya (Lily) pumapanig,” nakangi­ting pahayag ni Lorna.

Malaki ang pasasalamat ng aktres kay Coco dahil aktibo na siyang muli ngayon sa telebisyon. “Siyempre maligaya ako. Kasi very interesting ang role. Bilang artista, lahat naman yata ‘yon ang gusto na magkaroon ka ng role na isang witty na role,” giit niya.

Nagpapasalamat din si Lorna sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa kanilang serye.

Ayon sa aktres ay isang buwan lamang dapat ang kanyang guesting pero nag-extend pa ito. “Nag-start ako ng March 1 pero masyado yata silang naiintriga sa character. Ayun, parang nagkaroon ng madaming ideas. Lalo na si Coco na parang, ‘Direk, parang gusto ko ito mangyari kay Lily.’ Tinatanggap naman naming lahat lalo na ‘yung ibang actors. Ang idea ko ngayon, ang lahat (ng manonood) gusto nang patayin si Lily,” natatawang pagtatapos ng aktres.

JM blocked na kay Barbie!

Kontrobersyal ang naging mga pahayag ni Barbie Imperial tungkol sa nakaraan nila ni JM de Guzman ka-makailan. May ilang mga tagahanga ang nagtanong sa aktres kung nag-text man lamang ba ang aktor pagkatapos mapanood ang naging panayam namin kay Barbie sa Tonight with Boy Abunda.

“Naka-block (si JM), matagal naman na po pero para sa akin kasi, kung ite-text ako ng gano’n, alam ko namang wala akong kasalanan. Ayokong magsalita ng masama eh. So para sa akin blocked na lang kita para kahit anong sabihin mo sa akin hindi na ako makakasagot sa ‘yo. Kasi ang tao, di ba po kapag galit nakakapagsalita ng masama. So ako, ayokong nagsasalita talaga ng masama eh. So blocked na lang,” makahulugang pahayag ni Barbie.

Samantala, isa raw sa mga pinakamalapit ngayon sa aktres ay si Ara Mina. Ayon kay Barbie ay alam daw ni Ara ang halos lahat ng kanyang mga sikreto. “Wala naman akong sobrang duming sikreto. Mga hugot lang in life. Parang ate ko na siya talaga. Sobrang bait niyang tao talaga, as in. Takbuhan ko talaga siya ‘pag malungkot ako, masaya ako. Sobrang sweet niya kasing tao. Sobrang loving, lahat-lahat,” pagbabahagi ng dalaga. (Reports from JCC)

LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with