^

PSN Showbiz

Anne naka-double sa URIAN

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Anne naka-double sa URIAN
Anne

SEEN: Bumalik sa Pilipinas sina Anne Curtis at Marco Gumabao noong Martes, mula sa isang linggo na shooting nila sa Lisbon, Portugal para sa kanilang mga eksena sa Just A Stranger. Kahit may jetlag pa, tuloy-tuloy ang shooting nina Anne at Marco para sa upcoming movie nila sa Viva Films. Ang good news tungkol sa kanyang double nominations sa best actress cate­gory ng  42nd Gawad Urian ang sumalubong kay Anne. Nominado si Anne para sa Sid and Aya: Not A Love Story at Buy Bust. Best actor nominee si Dingdong Dantes, ang leading man ni Anne sa Sid and Aya: Not A Love Story.

SCENE: Tulad ni Anne Curtis, tuwang-tuwa si AiAi Delas Alas dahil nominado rin ito sa best actress category ng Urian para sa indie movie na School Service. Si AiAi ang gumanap na adoptive mother ni Anne sa Dyesebel, ang 2014 primetime television series ng ABS-CBN. May special participation si Anne bilang wedding singer sa Sons of Nanay Sabel, ang comedy movie na pinagbibidahan ni AiAi Delas Alas at Mother’s Day presentation ng Viva Films. Palabas sa kasalukuyan sa mga sinehan ang Sons of Nanay Sabel.

SEEN: Si Sharon Cuneta ang makakasama ngayon ng Broadway Boys sa Mother’s Day presentation ng Eat Bulaga. Ipo-promote rin ni Sharon sa Eat Bulaga ang Kuwaresma, ang horror movie niya na may playdate sa May 15, 2019. 

SCENE: Ang New Frontier Theater sa Arane­ta Center, Cubao, Quezon City ang venue ng IM YOUNG, ang 1st Asia Fan Meeting in Manila sa May 18 ng South Korean singer na si Bae Jin Young.

SEEN: Nakatakda sa June 30, 2019 ang The Castle, ang Asia Fan-Con Tour ng The Boyz, ang rising K-Pop rookie group na may labindalawang miyembro. Ang New Frontier Theater din ang venue ng The Castle.

SCENE: Opisyal na ipakikilala ngayon si Lorna Tolentino bilang pinakabago na brand ambassador ng Beuatederm Skin Line. Sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Sylvia Sanchez at Carlo Aquino ang ilan sa mga celebrity ambassador ng Beautederm.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with