^

PSN Showbiz

Alex, umiiwas nang maging bastos

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alex, umiiwas nang maging bastos
Alex

Isa si Alex Gonzaga sa mga may pinakamaraming followers sa YouTube. Marami ang nagsasabing masayang panoorin ang mga video ng aktres pero may ilan din namang nagsasabi na ‘insensitive’ o nakababastos na minsan ang mga ginagawa ng dalaga. Bilang isang content creator ay gusto lamang daw magpasaya ni Alex sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanyang Youtube channel.

“Mayroon talagang times na constructive ‘yung sinasabi nila, na kailangan mo talagang i-improve. And I think nagiging better kami as content creator. So dati tingin ko nga, okay naiinis ka, choice mo ‘yan. Kasi ayaw mo naman ako, pinanood mo ako. But now tini-take ko siya, sa mga nagsalita sa akin na sometimes I’m insensitive, mas lumalalim na ako. Mas nafi-filter ko na. So mas tumatalino ka, mas nagiging creative ka. Minsan kasi, Tito Boy kasi kapag pagod na ako at kailangang may gawing video, tapos kailangan magpatawa, minsan pupunta ako na ‘yung insensitivity parang nakakatawa siya. So now, iniiwasan ko na ‘yon,” paliwanag ni Alex.

Kabisado na rin umano ng aktres kung sino ang kanyang mga basher online dahil sa mga komentong magkakahawig lamang. “Kapag may nakita akong ten or more na same ang comments, mayroon sigurong something. Meron namang isa lang siya, so alam mong hater na lang siya,” giit ng dalaga.

Engaged na sa psychiatrist Baron, ayaw ng pre-marital sex

Sa Cebu na naninirahan ngayon si Baron Geisler. Abala ang aktor sa kanyang negosyong barber shop na matatagpuan sa isang mall doon. “Ginamit kong puhunan ‘yung konti kong namana at binenta ko ‘yung Fortuner ko para makapagsimula. Kakabukas lang and so far it’s doing good naman,” pahayag ni Baron.

Cebuana ang kasintahan ng aktor na si Jamie Marie Evangelista. Walong buwan nang magkarelasyon ang dalawa ngayon. “Tapos na kami sa engagement part. Three months ago pa ‘yon. Psychologist si Jamie, she works sa rehab, freelance psycho therapist siya. She teaches college students also. Kinukuha siya ng mga rehab center para tumulong sa mga addict at alcoholic,” pagbabahagi ng binata.

Masayang-masaya si Baron dahil nakakilala siya ng isang babaeng nakaiintindi sa kanyang buong pagkatao. “She’s very patient sa akin. Alam niya kung paano ako timplahin. Super happy ako kasi maalaga siya. When I had nothing, noong walang-wala ako, she supported me. Kasi ang buong pag-aakala ko wala na akong babalikan sa showbiz, kaya nagtayo na lang ako ng business,” paglalahad ni Baron.

Ayaw din umano ng aktor ng pre-marital sex kaya nagpaplanong pakasalan na ang kasintahan. “Pagod na ako sa laro, sa pag-party. Gusto ko na ring magkaroon ng sariling pamilya. Pinaplano na namin ‘yung tungkol diyan pero wala pang date. May mga kailangan kaming bayaran and then baka next year or sooner. Bahala na si God but we want it as much as possible. Ang akin kasi, ayokong mag-pre-marital sex, we want to do it right,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

ALEX GONZAGA

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with