Joel Cruz
Joel Cruz tatlo ang building sa Amerika!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - April 30, 2019 - 12:00am

Nasa kalagitnaan ng kanyang US tour si Mr. Pure Energy Gary Valenciano nang su­makabilang-buhay ang kanyang Puerto Rican mom na si Gng. Grimilda Ortiz sa edad na 84 sa Orlando, Florida nung hapon ng April 17. Pero sa kabila ng pagkamatay ng kanyang butihing ina ay ipinagpatuloy ni Gary V. ang kanyang sche­duled concerts sa Las Vegas, New York, Pittsburg, Los Angeles, Seattle at Morongo at tumuloy na lamang siya ng Florida.

Dapat sana’y mapapanood ko ang He’s Back: Gary V. The USA Tour sa Saban Theatre in Bever­ly Hills, Los Angeles, April 21 dahil binigyan ako ng dalawang VIP tickets ng LA-based producer na si Amor Yu (ng Amor Yu Prouductions Los Angeles) pero nataon naman ito sa blessing at reception ng tatlong newly-acquired commercial buildings sa Califor­nia, USA ng tinaguriang Lord of Scents and successful businessman na si Joel Cruz kaya ibinigay ko ang tickets ko sa mag-asawang Louie Re­yes at Cesar dela Fuente (da­ting members ng The New Min­strels) na matagal nang na­ka-base  sa Los Angeles, Ca­lifornia. And we’re glad to know na halos puno ang ­ve­nue and Gary V. was on his top element ng kanyang performance.

Inimbitahan kami ni Joel Cruz sa Easter blessing at reception ng kanyang tatlong nabiling commercial buildings in California nung Easter Sunday, April 21. Una sa may Lemon Creek Village in Walnut, California at yung dalawa sa Rialto Marketplace in Rialto, San Bernardino, California na sinundan ng reception sa Double Tree by Hilton, also in San Bernardino. Duma­ting ang negos­yanteng si Joel Cruz sa Los Angeles, California bitbit ang kanyang walong anak (tatlo rito ay twins), ang kanilang individual nannies, ang mother ni Joel, kanyang mga kapatid at mga pamangkin, executives and staff ng kanyang kum­panya at iba pa at 50 lahat sila for a week’s stay. Bumalik sila ng Pilipinas last Thursday, April 25.

Almost $13-M dollars ang pagkakabili ng tatlong buildings ni Joel sa California, USA at ngayon pa lamang ay kumikita na ang mga ito in terms of rent/lease.

Samantala, bukod sa mag-asawang Louie Reyes at Cesar dela Fuente, nagkita-kita kami nina Beth Tamayo at Leni Santos sa magkaibang araw at lugar sa California.  Nagkita kami ni Beth sa San Francisco kung saan ito naka-base ngayon habang si Leni ay naka-base naman sa Las Vegas, Nevada.

Beth joined us for a quick late lunch sa isang resto-bar in Ferry Building in San Francisco na sampung minutong walk lamang sa kanyang office. Nagta-trabaho siya bilang executive assistant ng isang investment firm. Matagal-tagal na rin ang kanyang relasyon sa kanyang American boyfriend na si Adam Hutchinson na lumipat na rin ng San Francisco from New York, USA kung saan sila ­unang nagkita at nagka­kilala ni Beth.

Taong 2009 nang talikuran ni Beth ang kanyang showbiz career sa Pilipinas matapos itong mahiwalay sa kanyang Chinese-American (ex) husband na si Johnny Wong.

Nagkita naman kami ni Leni Santos sa aming hotel room in Rio All-Suite Hotel and Casino in Las Vegas kung saan siya naka-base.  Matagal nang hiwalay si Leni sa kanyang ex-husband na si Jeffrey Salvador na isa sa mga anak ng yumaong actor-director-producer na si Leroy Salvador at kapatid ng actress na si Jobelle Salvador.

Leni and Jeffrey got divorced in 2006 at may dala­wa silang anak, sina Jeffrey Nicolo Salvador (23) na isang US Air Force at naka-assign sa isang base in Japan at ang panganay nilang si Jannika Lereina Salvador (26), isang nursing working student in Las Vegas.

Napag-alaman namin kay Leni na ang kanyang ex-husband na si Jeffrey ay namamasada umano ng isang Uber sa Las Vegas habang siya (Leni) ay nag­­ta-trabaho sa isang care home (also in Las Vegas).

Si Leni ay huling napanood sa TV series ng GMA na More Than Words na tinampukan ng dating magka-loveteam at magkasintahan na sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona na pinamahalaan ni Andoy Ranay at ipinalabas nung Nov. 14, 2014 hanggang March 6, 2015.

JOEL CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with