Mga Pinoy todo pila sa Endgame

SEEN: Tinawag na boba ni Ben Tulfo si Vice-President Leni Robredo dahil sa paratang na hinihikayat ng pangalawang pangulo na magsalita laban sa pamahalaan ang mga entertainer na katulad ni Regine Velasquez.

SCENE: Nadikdik nang husto si Regine sa payo sa kanya ni Ben Tulfo na huwag makisawsaw sa mga isyu na ku lang ang kaalaman niya. “Ang mensahe ko sa’yo Regine Velasquez, next time you open your mouth, think. Make sure na may laman ang utak mo. Make sure alam mo yung isyu and you can talk about it.

“Hindi mo ito balwarte. Yung kaaalaman mo, itago mo na lang,”  bahagi ng mensahe ni Tulfo para kay Regine.

Napagdiskitahan ni Ben Tulfo si Regine  dahil sa tweet nito noong Holy Week tungkol kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Jr.

SCENE: Marami ang humanga at kumampi kay Ogie Alcasid sa sagot nito kay Ben Tulfo na sa kanya na lamang mag-focus dahil isang “lady” ang asawa niya na ininsulto ng hard-hitting commentator.

SEEN: Hindi isyu ang hindi pagdalo ni Kier Legaspi sa kasal noong Martes ng lovechild nila ni Marjorie Barretto dahil public knowledge na may gap sila ng kanyang anak. Maaakusahan pa si Kier na nang-agaw ng eksena kung dumalo siya kahit hindi imbitado.

SCENE: Ang fascination at obsession ng Filipino moviegoers sa Avengers: Endgame dahil 4:30 am pa lang, nakapila na ang manonood na maaga na natulog noong Martes ng gabi. Alas-6:00 nagbukas ang mga sinehan. Isa si Michael V. sa mga unang nanood at ayon sa kanya, magkahalo na saya at lungkot ang naramdaman niya sa pelikula.

SCENE: Hindi pa nagpapagupit ng buhok si Jennylyn Mercado para sa horror movie na gagawin nila ng direktor na si Erik Matti dahil may tapings pa siya para sa Love You Two, ang primetime show ng GMA-7.

Show comments